Trip Ko Lang(35)

9 1 0
                                    

Kai's POV
"GET. OUT."

Agad namang sumunod Si Aira sa gusto kong mangyari ng walang pag-aalinlangan.

Matapos niyang isara ang pinto ng kotse ko ay mabilis ko Itong pinaharurot paalis sa bahay nila. Not even bothering to hear out what Aira was supposed to say.

Wala na akong pakialam.

Ang alam ko Lang...pagod na ako.

Pagod na ako maging selfless. Laging iba ang inuuna ko na hindi ko na natutuunan ng pansin ang sarili ko...ang mga gusto ko. Pagod na akong laging nawawalan sa huli. Pagod na akong laging sumasalo ng mga sakit at problema ng iba. Pagod na akong maging isang sandalan lagi. Sa madaling salita, Pagod na akong maging tanga!

Sumigaw ako sa loob ng kotse at padabog na pinalo ang steering wheel.

Tangina!

Patuloy akong sumigaw ng sumigaw na parang ito ang solusyon para maalis lahat ng sakit at galit na kinikimkim ko ngayon. Hanggang sa patagal-tagal ay humina at pumiyok ang boses ko. Naramdaman kong dahan-dahang lumabas ang mga luha ko.

Patuloy lamang ako sa pag-drive at hindi pinapalis ang mga luha kahit Nagiging rason na ito ng pagka-blurry ng paligid ko.

Damn! Wala na akong pakialam kung lumagpas na ako sa speed limit. Basta ang gusto ko Lang ay umalis...umalis sa mundong ito!

Mabilis na ang pagpapatakbo ko. Gabi na at Wala akong makitang iba kundi ang nasasakupan lamang ng ilaw ng sasakyan ko. Mabuti pa ang ilaw ng sasakyan ko, isang way Lang ang tinutukan sa hinaharap. Kumusta naman yung tanginang 'manliligaw ko' raw, aba ayun, hindi maka-settle sa isang daan kaya pasikot-Sikot ang pag-maneho.

Ako lang daw ang mahal. Psh, what a liar. A damn little liar!

Believing him was the stupidest thing I've ever done.

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Basta ang alam ko ay hindi pa ako uuwi. Mabuti nalang at iniwan ko ang cellphone ko sa bahay...no one's going to disturb me. It's just me and my misery.

Paulit-ulit akong bumusina sa taong naglalakad sa pedestrian lane habang papalapit ang kotse patungo sakanya. Ng makita ko na matatamaan siya ng kotse ko, Walang Oras kong inapakan agad ang brake at sumandal sa driver's seat pagkatapos ng muntik na aksidente.

Fuck! That was too close! Akala ko masasagasaan ko yung tao.

Lalake siya. Hindi ko makita ang buong katawan Niya since naka-side view siya. Hindi Niya nilingon ang kotseng MUNTIK ng babangga sakanya. Nakatigil lamang siya sa gitna nito at kalmadong nakatayo imbes na dapat ay agresibo Niya akong lapitan at i-reklamo sa pulis Dahil sa pagkakapabaya ko. Pero hindi Niya yun ginawa.

Well, kung ganyan Lang naman siya. Ako na magpo-point out ng kasalanan niya sa nangyayari ngayon.

Galit akong tumakbo palabas, "Bakit kasi ang bagal mo?! Gusto mo bang ma-disgrasya? Gusto mo bang mamatay?! Punyeta, ako yung pinapahamak mo!" sigaw ko habang papalapit sa lalakeng likod Lang ang nakikita ko. Nakita kong one inch nalang ay mabubungguan ko na nga siya. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip na posibleng mangyari kung hindi ko agad naapakan ang brake.

"Hoy! Kinakausap Kita!" sambit ko ulit sa lalakeng nakatayo Lang sa gitna ng kotse ko. "Harapin mo nga ako!"

Hinila ko siya sa braso.

Medyo Malabo ang mukha Niya Dahil sa mga luhang pinanindigan kong wag palisin. Dun ko Lang pinunasan ang aking luha gamit ang bakanteng kamay para makita ng malinaw ang mukha ng lalake.

Labis nalang ang gulat ko sa kaharap kong lalake. Kinagat ko ang aking labi sa kahihiyang sinigawan ko siya at pinagbuntungan ng galit. Shit! Friday the 13th ba at parang minamalas ako ngayon?!

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon