Trip Ko Lang(38)

7 1 0
                                        

Aira's POV
"I'm sorry."

Tumawa kaming pareho ng magkasabay kaming nag-salita ng parehong kataga. Hayyy...nakaka-miss si Kai!

Umupo kami pagkatapos ng yakapan. Nagkaroon ng isang matinding katahimikan ngunit hindi ko naramdaman ang ilang rito. Komportable ang katahimikan at tila parang tine-take lang namin ang time na suriin ang bawat isa matapos ang isa at kalahating week na hindi namin pagkita.

"Kumusta ka na?" paninimula niya.

"Ano ba yan? Ang formal mo naman bes!" tumawa ako.

"Tse! Tina-try ko na ngang maging mabait eh!" sambit niya. Tumawa kaming pareho dahil parang alam namin na walang patutunguhan ang usapan namin ngayon.

"Pero talaga bes..." tumigil siya sa pagtawa at sumeryoso. Nakita kong may namumuong luha sa mata ni Kai. Nabigla ako ng lumapit siya sa'kin at niyakap ulit ako, "I'm sorry!"

Hindi ko alam pero parang instinct na ay niyakap ko rin siya pabalik. Nararamdaman ko na ring nag-iinit ang gilid ng aking mga mata.

"Ako nga dapat ang nagso-sorry eh! Baliw!" ani ko sabay pinapalis ang lumalandas na mga luha ni Kai.

Kumunot ang noo ni Kai.

"Huh? Bakit naman?" aniya at bumalik sa upuan niya.

Ngumiti ako, "Kasi alam kong nagalit ka sa'kin ng malaman nating dalawa na si Kevin at Joker ay iisang tao lang."

Nakita kong bahagya siya umiwas ng tingin at kinagat ang labi. I think I'm right about my assumption now that I can see her get uncomfortable while opening up the topic.

"So yeah, nagso-sorry ako dahil mahal natin ang iisang tao. Ako, mahal ko si Joker and you, alam kong mahal mo si Kevin. Tapos ngayong nalaman natin na iisang tao lang sila, it might've been hard for you to accept such things." huminga ako ng malalim bago mag-salita muli, "Kaya Kai...if you really love Kevin or Joker or kung ano pa man ang nickname niya...I just want to say, I'm willing to give up Joker to you."

Hindi ko alam pero habang sinasabi ko ang mga huling salita...parang hindi man lang akong nanghihinayang na ibigay si Joker sa iba na kung tutuusin ay alam kong...he's my one and only option to love. Pero hayaan na! As long as ikakasaya ni Kai, I'm willing to give up everything.

"I'm willing to sacrifice my own happiness for you." hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay kaya tiningnan niya ako. I can see guilt and regret in it.

Tumawa ako, "Don't worry. I swear, no hard feelings. Ok lang talaga sa'kin! Sabi mo nga, lalaki lang yan!" pagpapatuloy ko.

"Aira..." ipinatong niya ang kanyang palad sa akin. Tumingin siya, straight sa aking mga mata. Pumakawala siya ng isang buntong-hininga.

"Oo, nung una...nagalit ako sa'yo ng malaman ko rin na si Kevin ay si Joker. Lagi kong tinatanong sa sarili ko na ano ba ang meron si Aira na wala ako at lagi nalang siya ang gusto ng lahat? Mas matalino naman ako diba? Mas matino? Mas...kamahal-mahal? Lahat ng meron ka, mayroon rin naman ako ah. Pero bakit lagi nalang ikaw, ikaw, ikaw? Pati si Kevin ay gusto ka..." aniya at pumatak ang isang luha sa mata niya, "Oo, nung una, nagalit ako dahil nagpadala ako sa selos ko. Kaya narito ako para mag-sorry. I'm sorry for shutting you out. I'm sorry for being selfish. I'm sorry because I'm stupid! I...hope na mapatawad mo pa ako...kahit hindi ngayon, basta patawarin mo lang ako...I can wait."

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon