Aira's POV
"So if you'll excuse us, maghahanap na kami ulit ng bagong pwesto kung saan walang mang-iistorbo habang nagde-date kami." as simple as that, umalis na kami sa kinatatayuan nga namin.
Hanggang ngayon, speechless pa'rin ako sa nanngyari kanina.
Ano bang ibig niyang sabihin na nagde-date kami kanina? Eh obvious na obvious na ngang nakikipag-break na ako eh tapos nagde-date? Hindi ko na talaga maintindihan ang isang 'to! Sarap sapakin!
Ngayon naman, napadpad kami sa MAS tagong lugar. Ba't nga ba kailangan naming magtago in the first place?
"Oo nga, ba't tayo nagtatago? Eh si Trixia lang naman yun, yung kaklase natin sa Stat., mabait naman siya." ani ko. "At tsaka ano naman yung pakulo mong nagde-date tayo eh after 3 seconds ay break na tayo? May mag-ex bang nagde-date agad-agad after ng break-up nila?!"
Wala akong nakuhang agot sakanya. Ang tanging ginagawa niya lagi ay tumingin sa baba habang nakahawak sa batok.
"Hoy! Magsalita ka naman!" sambit ko. Nagmumukha na kaya akong tanga rito! Ang dami ko ng pinagsasabi tapos ni 'a, e, i, o, u' ay wala pa akong naririnig sakanya.
Sa wakas, tiningnan niya ako.
"Anyways, simula ngayon ay break na tayo. Hindi naman natin kailangan maging strangers sa isa't isa, basta ang endpoint ay break na tayo. Ok? So kung wala na tayong pag-uusapan pa, bye-bye ex!" tinalikuran ko na siya at handa na sanang mag-lakad palayo ng bigla niya akong hinila pabalik.
"Sandali." ma-awtoridad niyang sambit. Nilingon ko siya na may nagtatakang expresyon.
"Binabawi ko ang sinabi ko." pagpapatuloy niya.
Mas lalo akong naguluhan.
Ano nanaman ang pinagsasabi nito? Siguro tumalsik na ang utak nito papuntang Pluto ng magkasakit eh!
"Hoy! Ano nanaman pinagsasabi mo diyan? Binabawi? Ano naman ang babawiin mo eh wala ka ngang sinabing kahit ano kanina eh! Hayyy kun--" "Wag na tayong mag-break!"
Parang nanigas ako sa sinabi niya.
"A-ano?" pag-uulit ko. Kahit narinig ko naman ang sinabi niya, mas mabuti ng nakakasiguro para hindi mag-assume diba?
Bumuntong hininga siya, "Sabi ko...wag ngayon. Wag tayong mag-break. Binabawi ko na!"
A-ano raw? So ibig sabihin ay udlot ang 'break-up' namin?!
Parang may isang party na ginaganap sa loob ng katawan ko. Para bang masaya ito na hindi nga kami magbe-break.
Bumalik na kaya ang utak ni JD sa sarili niya at natauhan na wag muna kami mag-break?
"T-teka, b-bakit naman hindi tayo magbe-break? False alarm lang ba yun? Para at least, prepared ako pag totoong nag-break nga tayo?" hindi ko matago ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Kahit anong pilit kong magtaka at sumimangot, mas nangibabaw ang saya sa sistema ko.
Pero back to the point, bakit nga ba niya hindi itutuloy ang break-up namin? Syempre may rason kung bakit niya pinost-pone. Kanina desididong-desidido siyang makipag-break tapos ngayon, out of nowhere, parang desperadong-desperado siyang maging kami pa muli.
"Hmmmm...hindi kaya, inlove ka na sa'kin?!" sigaw ko sakanya.
Shit !Argh! Ang gulo naman ng araw na'to! Ka-first day-first day, ang dami agad nangyari sa buhay ko! At take note, sa relasyon pa lang namin yan ni JD!
"Ahhhh inlove ka na nga talaga sa'kin! Diba?" nanlalaking matang sambit ko sakanya. Eh yun lang naman ang naiisip kong dahilan kun bakit ayaw niya kaming mag-break---dahil mahal niya na ako!
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?