Trip Ko Lang(44)

11 0 0
                                    

Kai's POV
Inayos ko muli ang aking graduation hat at toga na kulay black. Kinakabahan ako pero nangingibabaw rin ang excitement sa sistema ko.

Excitement dahil finally, may maipagmamalaki na ako.

"Kyleen C. Peralta!"

The loud applause and cheering from the crowd filled my ears as I walked in the stage. Lumapad ang ngiti ko habang papalapit sa Principal at isa pang teacher na taga-bigay ng diploma.

"Congratulations, miss!" tumango ako at tinanggap ang aking diploma.

Huminto ako ng ilang sandali sa harap ng stage habang hawak ang diploma kasama si mommy. Pinicturan kami ng photographer bago umalis. Oh! How I've longed for this day to happen. At ngayon, naging totoo na nga siya!

Ako na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo!

"Congrats, bes!!" ani Aira pagkatapos ng ceremony. Niyakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko rin ng isa pang mahigpit na yakap. "Nakapag-graduate na tayo! Whoo!"

"Yes!" Graduating together with your bestfriend is the ultimate friendship goals one person could have. At masaya akong nakapag-ayos kaming dalawa ni Aira bago nagtapos ang year.

Tama nga sila na ang last year ang pinaka-stressful at hassle na year pero sa huli ay worth it ang lahat ng eyebags at wrinkles na nakuha mo. To be able to graduate is one of the biggest achievement I've made. Yung makitang proud ang mga magulang ko is one of the best things that makes me happy too.

Ang masasabi ko lang, all my hardwork paid off.

"O picture!" sambit ni Aira at walang sabing hinila ako para ma-picturan niya kaming dalawa. Nakisabay rin ako sa trip niya at nag-pose rin para sa picture.

May isa na naka-smile lang, naka-wacky at naka-peace na sign ang dalawang kamay ko. Ang pinaka-favorite kong shot na nakuha niya ay yung hawak naming dalawa ang aming diploma at tumatawa habang magkaharap sa isa't isa, hindi si camera. Hindi iyon kasama sa pinagplanuhan namin pero somehow, mas maganda itong candid at stolen shot namin! Kung alin pa yung hindi pinag-planuhan ay siya pa yung mas maganda. I'll definitely put the last one in a picture frame. Tribute to Aira and I's friendship!

Who could've thought that we've come this far? Started from high school now we're here---together graduating. Sana ay hanggang pagtanda namin ay hindi maputol ang friendship na pinagsamahan namin ngayon.

Matapos ng ilan pang pag-picture kasama si Aira at ang mga magulang namin, pinabayaan muna kami ng mga ito. Di nagtagal ay dumating na ang boyfriend ni Aira. Akala ko simpleng magyayakapan lang sila pero napangiwi ako ng halikan nila ang isa't isa.

"Ano ba yan! PDA!" tukso ko kaya nabatukan ako ni Aira.

"Heh! Hanapin mo na nga rin yung sa'yo para hindi ka mainggit! Pwe!" tawa niya habang pinupulupot ang kanyang kamay sa baywang ni JD.

Inirapan ko ang loka. Speaking of, nasaan nga yung magaling kong boyfriend? Wala man lang yatang balak magpakita sa'kin!

Nanatili pa ako ng ilang sandali para mag-picture kasama ang dalawang malanding nilalang na kasama ko ngayon. Maraming kinuhang shots na magkasama kaming tatlo at sa kasamaang palad, nagmukha akong third wheel dahil sila ay panay ang PDA nila sa kada kuha. Mayroon yung nakatitig sila sa isa't isa habang ako lang ang naka-smile sa camera. Mayroon rin na naka-halik si Aira sa pisngi ni JD habang naka-wacky ako at ang pinaka-nakakadiring part ay yung lips-to-lips na naghahalikan sila habang naka-poker face ako at nanliliit naman ang mga mata. Kaya matapos ng pictorial ay iniwan ko na sila dahil hindi ko kinakaya ang pagiging third wheel at ka-sweetan nila na kulang nalang ay langgamin!

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon