Tatlong araw na ang nakalipas nung last naming pag-uusap ng babaeng yun...Galit kaya yun sakin? o, pake ko ba!
Hayyy...ma-text nga....
....Fudgeeee....nakalimutan ko!
3 araw na din ang nakalipas pero ni isang beses hindi ko man lang naalala na lowbat pala cp ko...kaya pala wala man lang kahit isang tunog ng message, notification at kung ano-ano pa.
Spell TANGA: A-K-O
.
.
Pero gwapo naman haha
Pagkatapos kong i-check kung nagcha-charge ba ang cellphone ko ay humiga sa kama ko. Tutal wala rin lang naman magagawa...ano pa ba kayang pwedeng gawin?
Matulog? Kumain? Manood sa t.v.? Mag-suicide? Mag----
Mag-suicide? Pwede ba yun...sayang naman ng kagwapuhan ko kung gagawin ko yun...hayyys Bakit ko ba Kasi nakalimutan mag-charge ng cellphone....ayan tuloy, hindi ako maka-gala...
Aira's POV
Nasa mall lang naman ako! Tangina lang Kasi Dahil ang tagal sumipot ng pinsan ko! Kaasar lang kase meron pa akong gagawin na paga-approve ng mga kailangan sa school...Pero, since nangangati ang mga paa ko na maglakwatsa...pumayag ako hehe.Ano pa ba ang pwedeng gawin?! Kairita naman o, bukas pa kasi klase namin!Asar!
ayyy...alam ko na! 'Gagawa nalang ako ng assignments ko~'sabi ko sa isip ko. Buti nga may dala akong bag.
Nang buksan ko ang libro na nakita ko sa bag ay...MAS LALONG nabore ako!
Sino ba naman ang hindi mawawalan ng gana na mag-basa eh puro letters lang ang andito...ni ang font size nga ay maliliit rin...halos maiyak na ako dahil sobrang liit ng font...siguro,12 ang font size at pucha naman ah! ang kapal-kapal kaya ng libro...ilang years kaya to ginawa?
Iba nalang na libro...tamad akong magbasa ng mahahabang libro na halos 500 pages na...mas okay pa naman na magbasa ng mga proposal na kailangan kong pirmihan para sa school activities at kung ano-ano pa na related sa gawain ng presidente ng school pero kung 500+ pages ang babasahin ko? thank you but no thanks!
Ano pa kayang libro ang pwedeng mabasa...yung tipong interesting.
"Unlove Past" paninimula ko...pshh, another typical love story.
Binasa ko yung pinaka-likod ng libro para tignan kung interesting ba siya na story
><<><><><><
Unlove Past
by
sweet_bitterella491Past is a memory. Past is part of History. Past is where mistakes live.
But not all wanted to treasure past. Past has given her troubles. Past has ruled over her mind and heart. Past has ruined the image people used to believe WHO she was.
PAST RUINED HER.
Chastity Ashlee Cruz.
How could she unlove Past when Past still won't let her go?
><><><><
Ouch! Relate ata!*ehem* How could she Unlove past when past still won't let her go *ehem*
Na-intrigue ako sa kwento...yung tipong willing ka hanggang midnight na magbasa!
Masimulan na nga!
3rd Person's POV
Hindi man tumagal ay sumipot rin ang pinsan ni Aira...ang pinsan Niya na halos Isang Oras niyang hinihintay sa mall."Hoy Aira!" sigaw ng pinsan ni Aira.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?