Aira's POV
Mabilis na natapos ang May. Pagkatapos ng pagbisita ko kila JD, wala na akong naging balita o tawag ulit tungkol sakanya. Hindi na rin ako lumabas pa ng bahay dahil mainit at tinatamad akong gumala.
Inalis ko rin sa isip ko ang babaeng kinatatakutan ko. Sana naman ngayon, hindi na kami mag-kita! Pagkatapos ng ilang weeks, jusko! hindi ko alam kung coincidence pa nga ba talaga ang pagkikita namin!
Anyways, ngayon ay June 13...ANG PASUKAN!
Pumasok ako ng campus.
Maaga pa pero since excited ako, kaya sorry naman, pagbigyan.
Masaya ako dahil una, eto na ang last year ko sa college then after that, graduation ko na! Pangalawa, kami naman ang magiging hari at reyna ng school mwahahaha! At pangatlo,hindi na ako ang Presidente ng school! Kaya nabawasan na ang stress ko ngayong school year. Magdiwang!
Halos lahat ng madaanan kong estudyante ay binabati ko habang naglalakad papuntang 1st classroom ko. Ang unang subject na nasa schedule ko ay Statistics, ang pinakaayaw kong subject! Tanga at boba pa naman ako pagdating dun. Mabuti na nga Lang at nakakasabit ako sa grades eh!
Pero kahit Stat. Ang unang subject ko sa umaga, hindi ito magiging hadlang para ma-stress agad ako.
Pumasok ako sa naka-assign na classroom ng subject ngunit nabigla ako ng May makitang tao na nakaupo sa teacher's table. Confident na pumunta ako sa direksyon Niya.
"Good morning!" bati ko. Nag-angat ng tingin ang lalake at napawi agad ang ngiti ko. "Ay ikaw pala yan JD."
"Hindi ba halata?" sarkastikong sambit Niya pabalik na Inismidan ko Lang.
"Siya nga pala, magaling ka na ba? Kung oo, mabuti naman. Tuloy na ulit tayo sa panti-trip sa isa't-isa. Ngayon, patas na!" ani ko habang umuupo sa upuang harap ng teacher's table.
"Napag-isipan ko nga pala..." Tiningnan Niya ako, "tungkol sa trip nating relasyon..."
Parang nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko naisip na darating ang araw na pag-uusapan namin ang relasyon namin. Ni hindi nga sumagi sakin na....pag-uusapan namin 'to. All along, walang nag-reklamo at umangal...though nagbabangayan kami, yun Lang yun...walang matinong pag-uusap tungkol sa ganap ng relasyon namin. We only held on the fake commitment.
"A-ano naman yun?"
"Gusto ko na sanang makipag-break." Sa pangalawang pagkakataon, nanigas ako. Parang huminto ang paligid ko at nakatuon lang ang pansin ko sa lalakeng kaharap ko ngayon.
"B-break?" ulit ko.
Tumango siya at ngumiti, "Sa tingin ko kasi...tapos na ang benfits na nakuha mo sa'kin. Diba ang purpose lang rin naman ng fake relationship natin from the very start is to help you move on? I think you have already. Kaya...I think na dapat tapusin na natin 'to. Besides, nagsasawa na'rin kasi ako sa trip na'tong relasyon. Let's break-up."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Diba dapat ay sasaya ako dahil mas marami ang pakinabang na nakuha ko sa trip naming relationship pero bakit..bakit nangingibabaw ang lungkot?
Lungkot ba dahil kahit isang 'trip lang' ang relasyon namin, na-enjoy ko ito? O lungkot dahil wala ng thrill ang buhay ko kapag mapuputol na ang ugnayan saming dalawa? Yung tipo bang dahil nasanay na ako sa mga panti-trip at kabulastugan niya...para bang naging parte na siya sa daily basis ko. Para bang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi niya man lang ako binibwiset at vise versa. Hmmm...siguro yung huli ang dahilan ng kalungkutan ko.
"Aira!" nabalik lamang ako sa huwisyo ng pitikin ako ni JD sa noo. See, kahit ngayon na seryoso na ang pag-uusap namin, nakuha niya pang mang-asar. "So ano masasabi?"

BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?