Aira's POV
March. The last month of the school year. It's been one whole month at wala pang progress ang mission namin ni Kai. Idagdag pa na saksakan at sunud-sunuran na mga P.T.s at projects namin. Kaya napagdesisyonan namin na i-cancel muna ang mission.
Nandito ako ngayon sa office at ninanamnam ang bilang ko nalang na araw rito huhuhu! Alam kong hindi ako ang dabest na school president pero at least alam kong may improvement ang school na'to. Wish ko lang na sana hindi strikta/strikto ang susunod na presidente.
Anyways, nandito ako at tinatapos lahat-lahat ng written works, take-home quiz, at assignments na dapat kahapon ko pa ginawa kaso tinamad ako. Lol. Kaya here I am, nagdudusa dahil sa katamaran ko. Hayyys.
So far, natapos ko na ang lahat ng assignments and PTs na scheduled for today. Sadyang, sinapian lang talaga ako ng kasipagan at ginawa na ang iba para sa mga susunod na araw ay konti nalang ang aatupagin ko at thesis nalang.
OO THESIS. Ang walang kasawaang thesis namin jusko! Kung bulkan lang ang utak, malamang dati nang sumabog yan. Haayyyyys ba't pa kasi kailangan ng thesis?!
Hayyyy kung ganito na karami ang mga gagawin ngayon, ano pa kaya next year na graduating na ako? Mabuti nalang at hindi na ako ang president next year kaya bawas gawain. Sana lang maka-survive ako.
"Bes!" nabigla ako dahil sa taong bigla-biglaan lang pumasok na itago natin sa pangalan na Kai.
"Uso ang word na 'katok'" sarkastikong sabi ko na ikinataray niya.
"Sorry pooo wala kasi sa vocab. ko ang word na yan." sabi niya naman pabalik.
"O problema?" tanong ko sakanya habang binalik ko ang attention ko sa unfinished bussiness na tinatapos ko.
"Wala naman. Next week na ang Foundation week kaya tapusin mo na lahat ng requirements mo kung gusto mong ma-pirmahan na ang clearance mo tsktsk. Ang dami kasing oras last week, o ano ka ngayon?! Cramming pa more!" pangse-sermon niya for the 20th time. Halos ma-memorize ko na nga ang linya nya eh. Palibhasa, tapos na sa lahat ng requirements kaya tapos na rin siya sa pagpapapirma ng clearance niya. Plus, LAST MONTH NIYA PA YUN NATAPOS.
How to be productive like you po???
"Hayyyy kung yan lang ang pinunta mo rito, pwede ka nang umalis or pwede mo rin akong tulungan!" ani ko.
"Bwahahaha, bahala ka mag-dusa! Bye!" sabi niya habang papunta na sa pinto. "Oh btw, boyfriend may ginawa nanaman kalokohan! Pupunta dapat yun rito ngayon this 1:00. Yun lang, good luck hahhaa"
Boyfriend? ahhh si JD!
Argghh, ano nanaman ang ginawa ng mokong na yun?! Hayy hindi pa rin nagbabago.
Tumingin ako sa orasan, 10:30 na. Wow! 4hrs. na pala ako rito, di ko lang namalayan. Hmmm, mamaya pa naman si JD kaya isu-submit ko muna 'tong mga requirements na'to para kunyare nabawasan.
Pumunta na akong faculty at nag-submit. Yes! 2 nalang na subjects ang kailangan kong papirmahan. Magdiwang!!
Sakto ng pag-alis ko ay tsaka kumulo ang tyan ko ehehe. Mapadaan nga sa canteen!
Pagkatapos ko mag-order ay balak ko na sanang bumalik sa office kaso bigla kong naisip ang mga tambak na projects na naghihintay kaya...sa paranymphus nalang pala. Ng naghahanap ako ng masisilungan ay nakita ko si JD na seryosong nagsusulat ng malay-ko-kung-ano sa ilalim ng puno. Pumunta ako sa direksyon niya para inisin lang siya at...para sabihan siyang i-meet ako pag-1 para kunware may purpose rin ang paglapit ko sakanya hehe.
"Hoy JD!" sigaw ko sa tainga niya which ikinagulat niya kaya napamali siya sa pagsulat. Hahaha Lt ang mukha niya.
Lumingon siya sakin at binigyan ako ng masamang tingin.

BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?