Aira's POV
Ngayon, parang bumalik na ang dati kong sigla!
"Kung tutuusin nga dapat ako ang nagagalit sa'yo eh. Anong namang meron sa inyong dalawa nung kalansay na kasama ko. Mag-pinsan lang rin ba kayo katulad namin ni Venice? Huh? Huh?" pagpapatuloy na talak ni JD.
Tinawanan ko lamang siya. Mukha na yata akong baliw. Kanina nakabusangot ngayon wagas kung makatawa. Sa totoo lang, kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko. Ewan ko ba kung bakit ako tumatawa...dahil ba nalaman kong mag-pinsan lang si JD at Venice o dahil natatawa ako sa kagagahan na pag-aakto ko kanina.
"What's so funny?!"
Imbes na sagutin siya ay mas lalo ko lang siyang tinawanan. Hayyy pwede na yata akong dalhin sa mental hospital!
Ng sasagutin ko na sana ang taong niya ay ang pagdating naman ni Venice at Josh.
"What's wrong JD? Is something wrong?" nakita niya kasing hindi parin naalis ang magkasalubong na kilay ni JD.
Hindi ko napigilan na palihim na tumawa. Pfft!
"Aira?" ani naman Josh habang palipat-lipat ang tingin niya sakin at JD, as if may something na kahina-hinala sa aming dalawa. Weh? Mangarap!
Umiling lang ako sakanya habang tumatawa. Mas lalo ko yatang nainis si JD dahil padarag niyang binitawan ang kutsara at tinidor na hawak niya.
"Tapos na ako. Tara na Venice, mag-se-seven na. Baka hinahanap na tayo sa bahay." ani JD habang hinihila na si Venice palayo.
"Uhhh..ok. Bye Josh, Bye Aira!" aniya. Kumaway naman kaming dalawa ni Josh.
Nagkatinginan kaming dalawa, "Ano? Uwi na rin tayo?"
Tumango ako at nauna ng maglakad papunta sa parking lot. Himala at kaunti lang ang kotse dito sa parking lot kahit maraming tao. Nasipagan yata mag-commute. Mabilis kong nahanap ang kotse ni Josh ngunit nabigla ako ng makita na ang katabi ulit nito ay ang Porsche na kotse na katabi ng kotse ni Josh sa school. Hmmm...coincidence?
Narinig ko ang boses ni Josh, nilingon ko siya, "Josh, yung kotse!"
Turo ko sa katabi na kotse niya. Nagulat rin siya dahil parang pareho na ang expression ng mukha namin.
"Hindi kaya....destiny ito?!"ani ko na pinanliitan naman ng mata niya.
"Ulol! Destiny? baka coincidence lang?" sambit niya habang nakatitig rin sa kotse.
"O? Ba't nakatitig kayo sa kotse namin? Nanakawan niyo kami?!" OA na sagot ni JD...tsss.
Wait?...JD?! Hinarap ko ang nagsalita...si JD nga na kasama si Venice.
"Sa inyo yan?!" turo ko sa kotse. Tumango siya ngunit may nagtatakang expression sa mukha niya.
"Bakit?"
"Ahhh wala lang! Gustong-gusto kasi yan ni Aira to the point na gusto na yata yang hingiin sainyo eh!" Tumawa ang kalansay kaya tinadyakan ko ang mokong. Ibuking ba naman ako! Akala ko ba totoo ko 'tong kaibigan!
"Hindi 'no! Na-amazed lang. OA!" ani ko na ikinatawa naman ni Josh. Argh!
"Tssss..."sabi ni JD habang nakatingin sakin. Problema naman nito? "Mauna na kami!"
Nauna na siyang pumasok sa driver's seat habang nakasunod naman si Venice. For the last time, kumaway si Venice habang papalayo na ang sasakyan.
"Mayaman rin pala sila."ani Josh ng wala na sa paningin namin ang kotse.
Mayaman naman talaga sila. Sobra. Hindi nga lang halata dahil parang tambay ang asta nung JD na yun. Tsk, may kaya na ngang ipagmalaki, pa-humble pa kasi yung isa.
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?