Aira's POV
3 days na pero wala naman akong natatanggap na regalo or peace offering galing ki JD. Tsk, ano pa nga ba, hanggang salita lang yung mga sinabi niya! Eh ako ring tanga, naniwala naman sa mga sinabi niya. Badtrip!
Nga pala, ngayon na ako uuwi after 3 days. Hayyy salamat! Nakaka-imbyerna pa naman dito sa hospital!
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng mansanas na dala ni Kai ng may biglang kumatok.
"Pasok!" sigaw ko
Bumukas ang pinto and pumasok ang isang nurse na parang flower arrangement dahil sa sobrang make-up sa mukha...yung totoo, nurse ba talaga to o clown?!
"Ma'am may nagpapabigay po para raw sa'yo" sabi nung nurse
Tapos ngayon, messenger?! Kaloka si ate nurse!
"Kanino raw ate?" Pagtatanong ko habang inabot naman nung nurse yung regalo sakin.
"Hindi ko alam kung ano ang pangalan pero gwapo na lalaki ang nagpapabigay"
"Sige ate. Salamat!" yun nalang ang sinabi ko kahit gusto ko talagang barahin si ate.
Nang makaalis si ate nurse ay agad Kong in-examine ang regalo na binigay. Inuntog-untog at inalog-alog ko para makasigurado na Hindi bomba o Granada ang laman. Kulang na nga lang itapon ko para maka-sigurado kung may sasabog ba.
Maganda ang pagkakabalot sa regalo...siguro Hindi nga bomba ang nakalagay dito.
Pero looks can be deceiving...
Tama! Looks can be deceiving! Pano kung nanggaling pala to ki JD at isa nanaman ito sa pakulo or pangti-trip niya.Tapos napahamak nanaman ako!
Doing it once is a warning but doing it twice will make you stupid and doing it for the third time will make you a retard...chos! Oha, taba ng isip ko. Na-ospital na ako't lahat-lahat, may naiisip pa talaha akong mga quotes.
Pero anyways, back to the situation...Tinignan ko kung meron bang attached na card but I found none so tuluyan ko nang binuksan ang regalo.
Nabigla ako pero napalitan rin yun ng saya ng makita ang regalo. Isa siyang medium-sized Teddy bear na may hawak na flowers then yung Teddy bear rin ay heart sa middle and naka-ukit dun ang pangalan ko...wow! Sino naman kaya ang magre-regalo sakin ng ganito? Siguro...special ako sakanya!
May nakita rin akong card sa likod ng Teddy bear which says...
------
Get well soon, Aira!-King Joker
------
King Joker? Sino naman kaya yun?
Hindi na problema kung sino yan si King Joker basta ang alam ko...sweet siya!
Unintentionally, bigla akong napa-ngiti...grabe lang talaga kasi! Sobrang sweet at effort niya. Imagine, mahal laya magpa-customize lalo na sa Teddy bear pa talaga.
Thank you, King Joker...whoever you are.
-----
Naka-uwi na ako sa bahay at unti-unti na rin gumagaling ang mga natamo Kong sugat at pasa.
Pagka-pasok ng pagkapasok ko sa kwarto ay nabigla ako sa nadatnan ko...
May Magandang bouquet ng flowers...
May chocolates...
May dalawa rin na emoji faces...yung isa is kissy face like tapos yung isa ay angry emoji.
..

BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Fiksi RemajaWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?