Aira's POV
It's been a month and hanggang ngayon ay Hindi ko parin siya pinapatawad. And it's been a month and hanggang ngayon effort siya ng effort makuha lang ang sorry ko.
Minsan nga napagkakamalan na ng ibang tao na nililigawan niya ako dahil todo habol siya Sakin...pero wala akong pake sa mga sinasabi nila dahil Hindi naman nila kung ano nangyayari saming dalawa.
At ngayon, eto ako...solong chine-check kung ready na ba lahat para sa Valentine's day.
Oo,tama kayo ng pagkabasa...VALENTINE'S DAY bukas.
Kinaugalian na kasi ng school na mag-hold ng parties sa mga special event...ayaw ko sana ng Valentine's party dahil nakakabitter pero ano Laban ko sa Director ng school diba?
Tanong ko lang... Ba't kaya napaaga ang undas lol!
So balik tayo sa pag-i-inspect ko...
Heart balloons √
Lovey Dovey atmosphere √
Couple-related activities √
Hearts here, hearts everywhere! Nyeta! Kakasawa yang heart na yan ah. Ba't lagi nalang heart ang ginagamit na symbol sa Valentine's?! Hindi ba pwede ang brain, esophagus, intestine At iba pa na body parts? I need an acceptable reason lols!
Nang matapos ako mag-inspect, umupo muna ako sandali para magpahinga then after this ay uuwi ma'am. Pagkaupo ko ay biglang nag-vibrate phone ko...
Kinuha ko yun at chineck kung sino ang nag-text. At buti si Manong Driver lang naman pala.
------
From: Manong DriverMa'am sorry po Hindi ko po kayo dyan masusundo sa school nyo. Na-flat-an ang kotse po at nandito na ako para pabombahan iyon. Medyo matatagalan nga lang. Magpapasundo pa rin po ba kayo? Ang kaso lang kelangan mo maghintay ng matagal
------Ugh! Ayoko ng maghintay! Sawa na ako eh!
----
To: Manong DriverWag kana Kuya pumunta dito sa school. Maglalakad nalang ako pauwi.:)
-----Medyo may kalayuan ang bahay namin pero bahala na. Once ko palang nilakad ang bahay namin tapos di na naulit kasi nakakapagod tapos nakaka-burn ng fats. Kitang buto't balat na nga lang ako tapos mababawasan pa ulit ako fats.
Isa pa may kotse kami kaya kampante na ako....kaso wala ngayun na kotse. Sadlayp!
Magsisimula na nga ako mag-lakad. 6:30 na rin eh.
Paglabas ko ng field ay agad Kong makita ang gate ng school pero....may isang lalake na nakatalikod sakin ay nakatambay dun.
Due to my curiosity ay lumapit pa ako sa gate at nakita ko ang mukha ni JD na nakapikit.
Tsssss....ba't naman 'to nandito? May hinihintay ba sya? Eh sino naman....ibang babae? Sabi na nga ba at sa una lang sya magaling.
Ang bakla nya naman...sumuko agad sa pagsusuyo ni one month lang ang tinagal. Eh pano pa kaya kung kami na?
Eh pano pa kaya kung kami na?
Eh pano pa kaya kung kami na?
Eh pano pa kaya kung kami na?
Wait...
Buffering....
Loading...
Initializing...
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
أدب المراهقينWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?