Trip Ko Lang(23)

13 1 0
                                    

Aira's POV

Tumupad nga sa usapan si Josh. Palabas palang ako ng bahay ng naaninag ko agad ang pamilyar niyang kotse.

"Aga natin ah! Sabagay, Buti pa ikaw naka-graduate na, kaya gala here, gala there ka na. Hayyy sana maka-graduate na rin ako! Sawa na ako sa mga thesis na yan!" Salubong ko sakanya.

"Cheer up! Makakagraduate ka rin, konting tiis lang!" Sabi Niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Pumasok ako, "Salamat."

Ng makapasok siya ay pinaandar na rin Niya ang kotse, Alam Niya kung saan ang school ko. After all, may pagka-sikat rin ang school namin sa city. Mabuti naman at preparation day nalang ngayon kaya walang pake ang mga teachers kung ma-late man kami. Requirements Lang rin naman ang kailangan naming tapusin para makatungtung next year.

Nag-park siya sa side ng isang Porsche na Kotse. Kanino kaya ito? Mukhang bago palang at latest model! Ang ganda ng kotse!

"Huy, labas na!" sabi Niya. "Titig na titig ka sa kotse. Wala Lang yan, mas cool naman 'tong akin." Ngumuso Si Josh. Tumawa Lang ako sa cute niyang reaction.

"Bawal na bang tumingin sa ibang kotse?! Oo na, ikaw na ang may pinaka-cool na kotse...tss" ani ko habang lumalakad palayo sa kotse ni Josh at sa katabi nitong Porsche na kotse.

Una muna naming ginawa ay ang i-submit ang dalawang requirements na tinapos ko.

"Hmm...congatulations Ms. Buenavista. You've completed all your requirements." ngiti sakin ng stricta kong teacher sa Math. "You can see your grades in the school's website at the end of the month."

Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang tama ang ginawa ko sa project. Ni hindi man Lang ako pinagalitan dahil baka wrong spelling ang pangalan Niya sa project ko hehe. Nasa good mood yata Si ma'am.

"Pano? I'll see you around." Paalam Niya samin bago umalis.

"Hayyy salamat natapos rin! Aray!" sabi ko habang nags-stretching. Narinig ko pa nga yata na nag-crack buto ko eh. "Tara na, Punta na tayo sa field. It's time for preparing!"

Mabigat na pala ang Kalansay na 'to. Ang Hirap Niya tuloy hilahin!

Ng maka-abot kami sa field after 22838319290 years later, sinalubong agad ako ni Kai.

"Hayyy salamat at naisipan mo ring bisitahin ako! Tapos ka na ba sa mga requirements mo?" Ani Kai.

"Oo na po madam! Thanks to this man.." sambit ko habang ipinapakita Si Josh Ki Kai. Nanlaki ang mga mata ni Kai, as if naman first time niyang makakita ng species ni Josh eh pare-pareho Lang naman ang species ng tao, Homo sapiens.

"Sino 'to? Boyfriend mo?! Hala! Parang kailan Lang, KAYO pa ni JD tap-" tinakpan ko ang kanyang bibig habang pinanlalakihan ng mata.

"Hindi ko 'to boyfriend 'no! Kababata ko! Josh, meet Kai..best friend ko. Kai, meet Josh...KABABATA ko." Binigyan ko ng emphasis ang kababata Dahil nakita Niya Lang may lalake akong dala, boyfriend agad. ANONG tingin Niya sakin, basta May bagong lalakeng ipakikilala sakanya, ibo-boyfriend ko agad? Tsss...

"Nice to meet you Kai!" Nag-lahad ng kamay Si Josh na ikinuha naman ni Kai para makipag-kamayan rin.

Binigyan ako ni Kai ng nagtatakang mukha. Tinarayan Ko Lang ang loka.

"Nandito Si Josh para tulungan tayo sa pag-prepare sa Foundation week. You know, para kung kunware may kailangang buhatin na mabigat...siya na ang solong magbubuhat. Para rin wala na tayong gawin masyado! Tsaka, yan ang Parusa ko sa'yo sa hindi pag-paparamdam for 10 years!" Baling ko Ki Josh. Binigyan ko siya ng masamang tingin,ngumisi Lang ito. Tsk.

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon