JD's POV
Putek! Late na ako! Kung ba't ba kasi hindi ko sinet ang alarm clock ko, aish!
"Sorry ma'am, I'm...late" natataranta kong sambit.
Pinagtinginan na ako ng mga kaklase na parang sinasabi nila anong-pinagsasabi-mo-look tapos [pagtingin ko sa unahan ay wala pa pala si ma'am wahaha kaya pala! Nagtungo na ako sa kinau-upuan ko at bigla akong nagulat...wow 2 weeks na nga pala simula nung huli namin pagkikita.
"Hi babe!" bati niya saakin. Sa akin nga ba?
Tumingin ako sa likod, 2 babae lang naman na nagpa-cute sakin ang nakita ko.
"Babe?" tanong ko ki Aira.
"Pshh...nakalimutan mo na agad Diba nga meron nga tayong trip-trip lang na relationship duh..." ay oo nga pala! Hindi pa parin yun tapos...
"Ahhh" Naisip ko na naman tuloy yung mga plinano ko nung sem. break na pwede kong gawin sakanya. wahaha, humanda ka lang Aira.
"Babe, samahan mo naman ako sa airport ha? Susunduin ko lang yung best friend ko" sabi ni Aira saka sabay unan sa balikat ko.
"Anong ginagawa mo?" hindi pa talaga kasi ako sanay sa pagtawag niya ng babe tsaka nakaka-ilang dahil madaming nakakarinig sakanya.
"Makisakay ka nalang..."pasimple niyang sabi habang nakaunan parin sa balikat ko.
"Ah, sige...babe" Umiwas ako ng tingin sakanya tapos pagtingin ko sa ibang side, ang sama ng tingin ng mga babae ki Aira...gwapo ko kasi! Swerte nitong katabi ko at nakaka-unan sa balikat ko.
Mabilis na natapos ang mga subjects at ni isang beses ay hindi ako naka-concentrate dahil wala ako sa mood. Pagkalabas ng pagkalabas palang naming ni Aira ay bumungad agad si Kevin.
"Dude, may practice daw yung kakalabanin natin sa basketball ngayon. Tara, tignan natin! Hi, Ms. Presedent! Ano, dude?" ani Kevin.
"Ahhh pass muna ako ngayon...susunduin kasi namin ng *ehem*girlfriend* ko ang best friend niya sa airport. Gusto mo bang sumama?" tinignan ko siya ng sumama-ka-kundi-sasapakin-kita-mamaya look
Pero ang loko, tinawanan lang ako tapos sumagot ng sige. Papayag rin lang naman pala,psh...
"So, ano? Magco-commute tayo o may gagamitin na sasakyan?" tanong ni Kevin.
"Gagamit tayo ng kotse" huminto siya sa isang Black Porsche na talagang mapapanganga ka.
"Sa'yo talaga yan?" Mayaman naman sila pero hindi lang talaga kayang I-proseso ng utak ko na meron pala siyang kotseng ganito.
"Actually, sa bestfriend ko tong kotse...yung susunduin natin, pinahiram niya lang at tsaka wala pa akong kotse, si mama lang" paliwanag naman niya.
MAbilis kaming nakarating sa airport pero kung anong kinabilis na pagpunta naming dito, iyon rin ang kina-tagal ng paghihintay naming sa bestfriend ni babe ko este ni Aira!
"Aish! Matagal pa ba yang best friend mo Ms. President" tumayo na si Kevin sa pagkaka-upo niya dahil siguro bored na siya kaka-upo lang. "Grabe! Dapat pala hindi na ako su---"
"BESTIE! I'm here!" sigaw ng isang ka-height at ka-edad ni Aira sa likod ni Kevin.
At unti-unti ring lumingon si Kevin at paniguradong natulala na nga, naka-nganga pa.
"Kumusta na...parang ten years na tayo hindi nagkita ah. Sino kasama mo?"sabi nung babae tapos nagbeso-beso kamo sila
"Ah Kai, si JD...boyfriend ko tapos si Kevin, bestfriend niya. JD, Kevin...si Kai, bestfriend ko"pakilala samin ni Aira kaya nag-wave lang ako as a sign na 'hello'
BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?