Trip Ko Lang(33)

11 0 0
                                    

Aira's POV
First time yatang maki-ayon ng mga emosyon ko sa'kin! For the first time in forever nagkaintindihan kami kung kailan iiyak sa hindi! Magdiwang! Yes!

Tumawa ako na parang baliw sa aking sariling iniisip ngunit kahit ilang tawa ang gawin ko, hindi nito napigilan ang mga luha na lumandas sa mga mata ko.

Yes! Nagawa ko ng makipag-break ki JD. Tangina, ang saya ko! Whoo! Ang saya, saya, saya, saya ko!

Putangina! Hindi ako masaya! Sinong niloloko ko?

Shit! Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Wala na akong ibang magagawa kundi humikbi.

Wala na...pinakawalan ko na.

Akala ko...magiging madali na ang lahat...shit! First time ko yatang umiyak ng ganito dahil lang sa break-up.

Ganun ko ba siya kamahal na kailangan umabot sa punto na iiyakan ko siya?

Akala ko ba...kapag nakipag-break ka, mas less ang chance na masasaktan ka pero bakit parang baliktad ata. Kung kailan nakipag-break ka, ikaw at ikaw pa'rin ang masasaktan. Walang difference kapag nasa isang relasyon ka.

One way or another, you're still gonna get hurt no matter what. And I hate it.

Mapaglaro nga talaga ang pag-ibig. Tsk.

Pagkatapos ng mahabang oras ng paghahagulhol, naisipan ko ng umalis sa lugar at mag-attend ng next period kung saan kaklase ko si Kai.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang dalawang palad. Mabuti naman at tumigil na kahit papano ang mga luha ko. Napagod na siguro sa kakatulo...o baka naman manhid na.

Habang naglalakad, halos lahat ng nadadaanan kong kumpol-kumpol na estudyante ay pinagtitinginan ako.

Bakit? Bakat pa'rin ba ang mga luha na naiwan sa mukha ko? Ganun ba kahalata na mugto ang mata ko? Mapula ang ilong ko?

Pwes, kung ganoon, wala na akong pakealam.

Pag-tsismisan kung pag-tsismisan. Dun naman sila magaling eh.

Ayoko na. I'm tired of my own drama...my own life!

Walang buhay akong pumasok sa classroom, agad kong Nakita si Kai na nasa upuan niya at busy-ing may tina-type sa laptop niya.

Ng maramdaman niyang may ibang tao pa pwera sakanya, umangat siya ng tingin. Nung una, nagulat siya. Pero ng maka-upo ako sa tabing upuan niya, napalitan ito ng pag-aalala.

"Break na kami." Pamamalita ko. Sinubukan kong maging kaswal ang boses ko ngunit hindi nito napigilan ang pagpiyok ko at sunod na lumabas ang mga luhang walang katapusan.

Akala ko, wala ng mailalabas pa. Akala ko lang pala yun. Kasi naka-reserved pala ang kalahati ng mga luha ko para sa masakit na pangyayari na mararanasan ko sa aming dalawa ni JD. At dumating na nga ang araw na yun...shit! Ang masaklap, hindi ako prepared sa agaran na pagbuhos walang katapusang mga luha ko!

Niyakap ako ni Kai. Kahit papaano, gumagaan ang aking pakiramdam. This is all I ever need right now.

Kwinento ko sakanya ang nangyari at ang pinag-usapan namin ni JD habang patuloy na humihikbi. Hindi ko sinali yung part na mga sinabi niya sa'kin dahil para na lamang yun saakin.

Si Kai ay hinahagod pa'rin ang likod ko kahit tapos na akong mag-kwento. Tumigil lamang siya sa paggawa nito ng huminahon at tumigil na ako sa pag-iyak.

This is the most painful break-up I've ever been to. Kahit noon sa mga dati kong ex, hindi ko sila iniyakan ng ganito na parang pasan ko lahat ng problema ng mundo. Iiyakan ko, oo, pero hindi ganitong katagal at kalalim ang dinamdam. Tangina! Minahal ko nga yata ng todo si JD! Iyan ang mali ko!

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon