Ako na ang mahilig sa timelapse...pagbigyan hehe!
----
Aira's POV
Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng marinig ko ang usapan nila JD at Trixia. At hanggang ngayon ay litong-Lito pa'rin ako!Kating-Kati na akong tanungin silang dalawa pero May laging pumipigil saakin. Siguro sa takot na mapahiya? Or sa takot na parang akalain nilang isa akong stalker at malayo na ang narating ko sa pagre-research sakanila.
Three months had passed, sinubukan kong maging kaswal sakanilang dalawa. Kapag nakikita at kinakausap nila ako, pinilit ko ang sarili ko na maging maligaya....na parang okay Lang ang lahat. Kahit hindi.
After those three months, madalas ko rin tanungin ang sarili ko: Ba't ba ganito ang nararamdaman ko? Dahil trip ko lang ramdamin? Diba dapat wala lang sakin kung magkakilala na nga sila? Malay ko ba kung dati na pala silang magkaibigan.
Sa loob ng three months rin na yun, dumistansya na ako ng palihim ki JD. Yung tipo bang guguluhin ko lang siya pag may kailangan ako o di kaya ay sisiputin ko lang siya kapag kailangan namin ang 'trip na relasyon' in public. Besides that, wala na. Hanggang dun lang. Kung maari nga, iniiwasan ko ang mga tendency at chance na pwede kaming mag-usap para mag-asaran at makipag-bangayan lang. Madalas, sumasama na ako ki Kai kapag mga free time at tinutulungan ang loka sa mga gawain na dapat exclusive lang sa SCO! Tsk.
As for Trixia? Pagalingan nalang sa pag-plastik ng ngiti. Habang tumatagal, hindi ko siya nagugustuhan! Tama nga si Kai, parang may binabalak siya dahil pati si JD, pinagduduhan si Trixia.
Ngunit ano naman ang binabalak niya? Ako nalang ba ang muwang at talagang ako nalang hindi nakakaalam kung anong nangyayari lately. Or...maybe alam ko, pero lagi ko lang ito isinasawalang-bahala.
Tangina!
---
Kai's POV
Nandito kami ni Aira sa canteen dahil parehong free time namin ngayon."Uy bes, alam mo ba...may bago nanamang girlfriend yung mokong na bestfriend ni JD aka Kevin?!" ani ko habang nginunguya ang sandwich na binili ko.
Ng wala pa'rin akong nakuhang sagot o pambara man lang sa sinabi ko, tiningnan ko siya.
"Bes,"
Nakita ko siyang nakasandal ang mukha sa braso at wala sa sariling pinaglalaruan ang binili niyang spaghetti. Nakatitig rin siya na para bang wala siya sa sariling katinuan. Hayyy, lately, pansin ko lang, parang stressed na stressed 'tong loka! Ano naman kaya ang problema nito?
"Bes!" pinitik ko siya sa noo. Nabigla siya sa ginawa ko at natatarantang tiningnan ako.
"A-ano?" walang buhay na tanong niya.
Shit! Nakakapanibago! Nasaan na ang mabubunganga at palatawang Aira na kilala at best friend ko?! Tumuntong lang kami ng bagong year tapos parang...emotionally, nagbago siya.
"Ano ba ang problema? Bakit ba...parang lagi kang naka-distansya sa lahat? Nasaktan ba kita? Sinaktan ka ba ni JD? Pine-pressure ka ba ng mommy mo? Ng mga proffesors? Hindi mo na ba kaya ang stress? Anong problema?" pag-aalalang tanong ko sakanya.
Tumitig si Aira sa'kin. At sa mata palang niya, alam kong may tinatago siyang sakit na hindi niya kayang ilabas. Ibinaba ko ang tinidor na hawak niya at hinawakan ang magkabilang kamay niya, "You can tell me...anything."
At ng sinabi ko yun, unti-unting namuo ang luha sakanyang mga mata at nag-unahang lumabas. Nung una, nabigla ako.
"B-b-bes..." paninimula niya. Niyakap niya ako na para bang ako nalang ang huli niyang kakampi.
Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao na nasa canteen pero pinabayaan ko nalang ito. Tinahan ko ang kawawa kong bestfriend. Shit! Ang sakit niyang tingnan na umiiyak. Pakiramdam ko...dama ko rin ang sakit na kinikimkim niya.

BINABASA MO ANG
Trip Ko Lang
Teen FictionWala lang, Trip Ko Lang... -makipag-holding hands -halikan siya -sabihan siya ng "I loveyou" -makasama siya At lalong lalo na trip ko lang....maging BOYFRIEND siya. But papaano kung ang pagiging trip na relasyon ay mauuwi sa isang word called LOVE?