Trip Ko Lang(45)

12 1 0
                                    

Aira's POV
"Thanks for visiting Aira, Kai!" ani Trixia ng makalabas kami ng gate nila.

It's been 6 years and I could say that in that span of time, a lot of things happened and changed.

Kai and Trixia already made up and we usually hang out the three of us. Yun nga lang ay hindi na masyadong madalas makasama si Trixia dahil siya ang unang nabakuran agad sa aming tatlo. It's been two year since Trixia and her bestfriend, Sean is already married! At on top of that, nagkaroon na sila ng anak pagkatapos. Kaya naman talaga ay busy na si Trixia sa sariling pamilya.

Although payag naman si Sean na paminsan-minsang lumabas si Trixia ay siya na mismo ang gustong magkulong lang sa kanilang bahay at bantayan ang anak habang nagtatrabaho ang asawa. Minsan nga ay naa-amaze ako sa laki ng pinagbago niya.

From the party girl Trixia to a housewife Trixia.

Dahil ayaw niyang lumabas ng bahay ay naisip kong kami na ni Kai ang mag-adjust para ki Trixia. Kaya paminsan-minsan ay kami ni Kai ang kusang pumupunta sa bahay nila Trixia at Sean.

Just like today, we've just finished playing and babysitting her wondeful and handsome baby boy, Leo.

"No problem, Trix!" sambit ni Kai at yumuko para lumevel ki Leo, "Basta ikaw at si Leo!"

Kinurot ng mahina ni Kai ang pisngi ni Leo. Umiyak ang kawawang bata na ikinasimangutan ni Kai. Tumawa kami ni Trixia dahil parang ayaw ata ni Leo ki Kai!

"Leo, you're bad! You're a bad boy! Bad, bad, bad, bad, bad!" mas lalong umiyak si Leo dahil nanlalaki ang mga mata ni Kai habang pinapagalitan siya.

"Mommy!" Niyakap ni Leo ng mahigpit si Trixia at tinalikuran kami ni Kai. Tinatahan naman ni Trixia ang kanyang anak.

"Shhh shh baby. It's ok, mommy's here..."

Mas lalong umiyak ang bata habang nilalambing siya ng kanyang mommy. Tinuon ni Trixia ang pansin sa'min, "Gutom na yata."

"Hala...ikaw kasi Kai eh! Sabi ko sa'yong itago mo yang mukha mo, pati bata, natatakot dahil sa'yo!" hirit ko. Trixia let out a chuckle while Kai rolled her eyes at me.

"Trix, can I hold him for a while?"

Tumango siya at maingat na binigay ang 11-months old baby boy sa'kin. Did I mention na ninang rin ako ng gwapong baby na'to?

"Shhh, tahan na baby boy..." malambing kong sambit. Sandaling tumigil ang paghikbi niya at inosenteng tumingin sa'kin, "Very good! Show me Happy Leo...pls."

Agad niya akong sinunod at ngumiti rin. Ang cute ng batang 'to! Gusto kong kurotin ang pisngi kaso wag nalang, baka maging kaaway rin ako ng bipolar na baby na'to!

Leo resembles much his father. Sa murang edad ay halata na ang tangos ng ilong nito, mahahabang pilikmata, at konting kapal ng kilay niya which he got from his father. Mata at ang pagka-suplado niya naman ay kontribusyon ni Trixia. And may I add, siya na yata ang pinakaiyakin na bata na nakita ko!

This is why I prefer to have a girl rather than a boy. Jusko, stress at hassle ang abot ko!

"Very good again! Dahil dyan...gifts!" masayang sabi ko.

Ng marinig niya ang 'gifts' ay tuluyan ng umabot ang ngisi niya hanggang tainga, "Gifts?!"

"Yes, baby. Gifts! What you want? Broom broom? Chuchu?"

"Tsu-Truck! Tsu-truck!" tinaas niya ang kanyang kamay at lumikot sa bisig ko kaya lumapit na sa'kin si Trixia. Binigay ko na si Leo pabalik ng alam kong konti nalang ay mahuhulog ko na siya.

Trip Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon