Teaser

1.3M 23K 6.2K
                                    

Teaser


Napamasahe na lang ako sa aking noo habang pinapanuod ang apat kong apo na parang hindi mapaanak na pusa. Bakit hinayaang magkasama sama ang mga ito sa ganitong oras?

Kasalukuyan nang nanganganak si Florence, tanging si Sapphire lamang at si Nally ang kasama nito sa loob. Masyadong biglaan ang panganganak niya, kaya wala pa sa mga kamag anak niya ang dumadating.

Tanging ako lang at si Aldus ang nakaupo. Masyado siyang pilit nagkukunwaring hindi kinakabahan kahit pawisang pawisan na siya. Samantalang ang telepono ko ay walang tigil sa pagtunog dahil sa pagtawag ni Tristan, si Owen naman ay hindi na mapakali sa pagkakasandal sa pader habang paulit ulit na tinitingnan ang relo. Si Troy naman ay nakailang inom na ng mineral water.

Habang si Nero naman ay walang tigil sa kalalakad sa aking harapan. Liyong liyo na ako mga apo.

"Tang ina, Nero! Tumigil ka na sa kalalakad!" iritadong saway ni Troy habang nagbubukas na naman ng panibagong mineral water.



"Gago ka! Tatawanan kita kapag si Laura na ang nanganganak!" muli na naman akong napabuntong hininga.



"Bakit ang tagal nang panganganak ni Wada?" sa pagkakasabing 'yon ni Owen ay lalong namutla si Nero at halos lumuhod siya sa aking harapan. Ako na ang nahihiya sa mga taong napapadaan sa aming maglololo. Masyado na kaming madramang lima.



"LG, sadya ba na ganito ang panganganak? Dapat pala ay sumama na ako sa loob" hindi ko alam kung maaawa ba ako sa aking apo o matatawa? Kahit ang natitirang tatlo ay mukhang hinihintay ang aking sagot.



"Siguro ay nahihirapan si Florence, kambal ang dinadala niya" napailing na lang ako sa sariling kung sagot. Mali pa ang nasabi ko, kaya ngayon mas lalong natulala ang kaawa awa kong apo.



"Nero, tubig!" mabilis siyang inabutan ni Troy ng tubig. Hindi naman ito ginalaw ni Nero dahil sa nerbiyos. Hindi ko na alam kung paano ko aaluin ang apo kong ito.


Lahat kami ay napalingon nang may lumabas na isang doctor mula sa delivery room. Kung hindi ako nagkakamali ay ilang doctor ang pinapasok ng aking apo sa loob ng delivery room kahit labis na labis na ang mga ito.



"Doc, ano po ang balita?" mabilis nakatayo si Nero at sinalubong ang doctor ng tanong.



"Nahihirapan pong manganganak ang misis nyo, mukhang matatagalan pa po ang kanyang panganganak.." simpleng sagot ng doctor. Halos pareho lang kami ng sagot pero napanganga na lang ako sa aking apo nang mapansin kong bigla na lang siyang nawalan ng balanse.



"Nero!" mabilis siyang sinalo ni Aldus at Troy. What happened to him?



"Tang ina?! Hinimatay ang gago!"




--

VentreCanard

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon