Please, huwag po tayong spoiler sa iba ko pong stories. I can understand your 'feels' angels but please stop spoiling :(
Chapter 21
Napansin ko na sobrang bagal ng sasakyan namin ni Nero at alam kong ginagawa niya lamang ito para sa akin. Hindi pa lang ako masanay dahil nakilala ko siyang kaskasero sa pagmamaneho, simula sa kanyang itim na oto hanggang sa kulay pula niyang Montero.
Napapatitig na lang ako kay Nero habang tahimik siyang nagmamaneho, kung lalaki ang baby namin gusto ko maging kasing gwapo siya ng daddy niya. Huwag na nga lamang makuha sa kanya ang ugaling shokoy, mahirap na. Shokoy na ang ama, shokoy pa ang anak, shokoy pa din ang mga ninong. Dyosko.
Napapangiwi na lang ako sa naiisip ko. Sumulyap na rin sa akin si Nero, napansin niya na siguro ang mahigpit kong pagtitig sa kanya.
"Nahuhumaling na naman sa akin ang aking misis" ngumuso lang ako sa sinabi niya.
"Keep driving Nero, pinagmamasdan kita para maging kamukha ka ng baby natin.." ngising sabi ko sa kanya.
"Ako ang ama Florence, syempre ang kamukha niyan.." nagkibit balikat lang ako sa sagot niya sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, sa dami nang napagdaanan namin dalawa sa nakalipas ng mga taon, ito ngayon at masaya na kaming magkasama.
Naglayas lang ako noon, sinong mag aakalang dito magsisimula ang lahat? Nakilala ko hindi lamang ang lalaking mamahalin ko habang buhay kundi pati na rin ang pangalawang pamilyang nagbigay sa akin ng walang katumbas na pagmamahal.
Lahat ay sariwa pa sa aking mga alaala, simula sa una naming pagkikita, sa paghihiwalay namin ng napakahabang taon at sa muli naming pagkikita. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan ang mga kalokohan niyang pinaggagawa sa akin noon. Ang paggamit niya ng bola ng baseball sa amin ni Aristotle, ang muntik nang pagbangga niya sa amin ni Ashong, ang pagpapanggap niyang manager ng isang restaurant, ang pagtulak niya sa akin sa pool, pagpasok namin sa cabinet, pagtatago namin dalawa sa cubicle ng banyo at ang walang kamatayang alas dos ng madaling araw.
Hindi ko mapigilang hindi matawa habang iniisip ang mga napagdaanan namin ni Nero. Muli akong napahawak sa tiyan ko, kaya mahal na mahal ko ang daddy mo anak. Hindi niya ako sinukuan hanggang huli, ginawa niya ang lahat para tuluyan na kaming magkasama. Your daddy is the best, baby.
"Nero, minsan ba iniyakan mo ako?" ito ang matagal ko nang gustong itanong sa kanya. Minsan ba ay nagawa kong paluhain ang hari ng mga shokoy.
Agad siyang nagpreno nang marinig ang tanong ko at napatitig siya sa akin na may kunot na kunot na noo.
"What's with that question Florence? Napapansin ko na kanina ka pang tanong nang tanong" matabang na sabi niya bago niya muling pinatakbo ang sasakyan.
"I am just curious Nero" sagot ko sa kanya.
"I am not, hindi pa ako umiiyak" agad tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Napakasinungaling talaga ng shokoy na ito.
"You're lying! Alam mo ba na masamang magsinungaling sa buntis Nero?" iritadong sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.