Chapter 69
Para akong binagsakan ng langit at lupa nang iwan na kami ni Nero ng doctor pagkatapos nitong ipaliwanag ang nangyari sa akin.
Ilang beses akong nagdasal na sana hindi ako buntis, na sana tama ang PT, sana hindi na lang ako nagpumilit mabuntis. Wala sanang mawawala, hindi sana ako nawalan.
Nakaupo ako sa kama habang nakatayong tulala si Nero. Walang makapagsalita sa amin dalawa, nawalan kami ng anak. Nalaglag ang bata sa sinapupunan ko, nalaglag ang baby ko.
Ang baby girl ko.
Hindi ko na magawang umiyak, sa halip ay humihigpit lamang ang pagkakakuyom ng kamay ko sa puting kumot na gamit ko.
Halo halo na ang emosyong nararamdaman ko, galit, sakit, lungkot, panghihinayang at walang katapusang panunumbat.
Kahit hindi ako nakatitig kay Nero, ramdam ko na papalapit na siya sa akin.
"Iwan mo muna ako Nero, gusto kong mapag isa. Parang awa mo na," matigas na sabi ko sa kanya.
Hindi na magiging maganda ang pakiramdam ko kapag nasa iisang kwarto kami, alam kong hindi ako marunong mag ingat sa pagkilos ko dahilan kung bakit ako nadulas, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong isumbat kay Nero ang lahat.
This was all started because of his damn secrets. His secrets killed my baby girl. His damn secrets again! Again and again! How can he do this to me?
Talaga ba na kailangan ko itong maranasan dahil sa hirap na pinaranas ko sa kanya noon? Hindi ba at nasaktan din naman ako? Pinagsisihan ko na noon pa man ang mga kasalanan ko sa kanya, alam kong mali ako sa mga desisyon ko noon pero bakit kailangang bumalik sa akin ang lahat?
"Florence, I can't leave you like this." Halos manlisik ang mga mata ko sa kanya dahil sa sinabi niya.
"I said I need some time alone, Nero. Kahit naman sana ngayon pakinggan mo ako, ayaw kitang makita! Ayaw kitang makita! Utang na loob, pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang anak ko!" hindi ko na napigil ang biglang pagpatak ng mga luha ko.
Buong akala ko ay wala na akong kayang ilabas na luha pero ito at nag uunahan na itong lumaglag mula sa aking mga mata.
"Florence..baby, I'm sorry.." nang nagtangka siyang lumapit sa akin ay umiiling akong umatras sa kama.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko makaya ang sarili kong magpahawak sa kanya sa mga oras na ito.
"Huwag mo akong lapitan Nero, iwan mo na ako. Gusto kong mapag isa, huwag mo akong hawakan, huwag mo akong hawakan." Natigilan siya sa sinabi ko at hindi niya naituloy ang paglapit sa aking kama dahil sa naging reaksyon ko sa kanya.
"Florence, I'm sorry. You know that I can't leave you like this, hindi kita iiwan nang ganito. Nawalan din ako Florence, nawalan din ako ng anak." Lalong kumuyom ang mga kamao ko sa sinabi niya.
"We've lost our baby because of you! It was all because of your damn secrets! Lagi ka na lang ganyan Nero, lagi ka na lang ganito sa akin. Mahal naman kita. Mahal na mahal naman kita, pero bakit mo ko laging ginaganito? Paulit ulit mo akong pinaglilihiman, paulit ulit mo akong sinasaktan." Halos mangatal na ang boses ko dahil sa pagsigaw sa kanya.
"Florence, baby..calm yourself. We can't fight like this right, hindi maganda para sa kalagayan mo." Nang muli siyang akmang lalapit sa akin ay mas malakas akong sumigaw sa kanya.
"Parang awa mo na Nero! Iwan mo na muna ako! Hindi ko kayang kumalma habang nandito ka! Iwan mo ako! Iwan mo muna ako, nakikiusap na ako sa'yo!" pagkatapos nang malakas kong pagsigaw ay nabuksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.