Chapter 9
Bakasyon na naman ng aking butihing mga apo. At ako bilang butihing lolo, kailangan kong mag isip ng mga bagay na makabuluhan na siyang dapat pagkakaabalahan ng aking limang apo sa loob ng kanilang dalawang buwang bakasyon. Hindi yata ako makakapayag na wala silang matutunang bago.
Dalawang taon na ang nakalipas nang makalbo ang buhok naming anim, noong nakaraang taon ay sinabihan ko silang magpakalbo kaming ulit dahil mainit naman ang panahon pero sa pagkakataong ito marunong na silang tumanggi. Sinubukan ko rin silang tanungin ngayong bakasyon pero mahigpit silang hindi sumang ayon. Sa edad nila ngayon hindi ko na sila masyadong nauutong lima, masyado na silang maraming nalalaman.
Kasalukuyan akong naghihintay sa kusina habang may hawak na tasa ng kape. Ilang beses ko nang tiningnan ang wristwatch ko, bakit mukhang nagtatagal pa ang aking mga apo? Ano pa ba ang ginagawa ng mga ito sa taas?
Tatayo na sana ako para akyatin sila sa kani kanilang kwarto nang mapansin kong nagsisimula na silang magpasukan sa kusina.
Agad lumawak ang ngiti ko sa mga labi habang pinagmamasdan ang mga apo ko na mukhang mga anghel na kabababa lamang sa langit. Nakasuot lang naman silang lahat ng puting sutana, na siyang isinusuot ng mga batang sakristan sa simbahan. Sinong may sabing mga loko loko sila? Mga taong simbahan yata ang mga apo ko.
Tuwing linggo ay maaga ko silang ginigising para hindi kami mahuli sa misa, nagseserve ang mga apo ko sa pinakamalapit na simbahan na siyang ipinagmamalaki ko sa mga kumpadre ko. Hindi lamang sila magagadang lalaki, mga taong simbahan din sila at may takot sa diyos. Kung hindi lamang maganda ang aming lahi, pagpapariin ko na silang lima pero dahil nga nabiyayaan kami ng lahing minimithi ng nakararami mas mabuting hanggang pagsasakristan na lamang ang gawin nila. Dahil higit naming kailangan na magpakarami.
Naunang lumapit sa akin si Tristan at nagmano, nasundan ito ni Troy hanggang sa magsunod sunod na sila.
"Madali kayo, baka mahuli tayo sa misa. Magagalit ang pari sa atin.." nagsimula na silang umupo sa kanilang mga posisyon.
"Ingatan nyong kumain, baka magkadumi ang mga sutana nyo.." paalala ko sa kanila.
"Aye aye captain!" sagot nila sa akin na siyang nakasanayan na nila simula pagkabata nila.
Pero hindi pa man naghahati ang kinakain namin ay narinig ko ang boses ni Troy.
"Sana maiksi lang ang homily, inaantok pa ako LG..." humihigab na sabi ni Troy.
"Bakit hindi ka natulog nang maaga? Alam mo namang may misa ngayon" sagot ko sa kanya.
"Natulog po ako ng maaga LG, inaantok pa rin po ako.." napailing na lang ako kay Troy.
"LG may galit po yata sa akin pari, nahuli niya akong nakakatulog sa misa.." napangiwi ako sa apo kong si Tristan.
Natural lamang ito sa mga taong simbahan, oo tama natural lamang ito.
"Naglalaro na ako ng candy crush sa gilid, hindi naman halata.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Owen.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.