Chapter 34
Masayang masaya ako habang tumatakbo na ang sasakyan namin pauwi. Hawak ko ang aking tiyan habang walang tigil sa pag ismid si Nero.
"Narinig nyo babies ang sinabi ng ninong nyo? Kayo daw ang favorite niya." Tuwang tuwang sabi ko habang walang tigil ako sa paghaplos sa aking tiyan.
"Narinig mo ang sabi ni Owen, Nero? Favorite niya daw ang anak natin." Ang laki ng ngiti ko sa asawa kong biyernes santo na naman ang mukha. Ano ba ang problema nitong si Nero?
Hindi niya ako nililingon at nakatingin lang siya sa daan. Bakit ang sama ng ugali ng hari ng mga shokoy na ito? Hindi ba siya natutuwa na paborito ni Owen ang anak namin?
"Nero!" naalarma siya sa pagtaas ng boses ko.
"Yes, I heard it. Ninong Owen loves our twins." Matabang na sabi nito na halos lumabas sa kanyang ilong. Naningkit ang mata ko sa kanya.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at pinagpatuloy ko ang pagkausap sa tiyan ko.
"Sa susunod sabi ng ninong nyo, pupunta daw siya sa bahay. He'll sing a lullaby for you. Ninong Owen really loves you babies." Sobrang saya talaga ng nararamdaman ko at ramdam kong masaya rin ang mga anak ko.
Abala ako sa paghaplos sa tiyan ko nang parang may naramdaman ako.
"Oh my gosh! Nero! Sumipa ang baby natin, gusto nila ang pangalan ng ninong Owen nila." Kunot na kunot ang noo ni Nero na lumingon sa akin.
Itinabi niya ang sasakyan para mas makausap niya ako ng maayos.
"Florence, hindi pa sisipa ang anak natin. Dalawang buwan pa lang 'yan." Tamad na sabi nito. No way! Naramdaman ko, gusto ng baby namin ang pangalan ng ninong nila.
"Hindi ako nagbibiro Nero." Pagiit ko sa kanya. Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko at nagsisimula na namang mag init ang sulok ng aking mga mata.
Naalarma na ang shokoy at mabilis hinawakan ang aking tiyan.
"Wow, sumisipa ang baby natin." Pilit na sabi niya. Hinampas ko na ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Galit kami ng mga anak mo sa'yo! Ayaw mo kaming paniwalaan!"
"Florence, hindi ka naman uminom kanina hindi ba? Alam mong hindi pwede sa buntis ang uminom." Mahigpit akong umiling sa kanya.
"No way! Bakit naman ako iinom?" hindi na ito sumagot sa akin at magpapatuloy na sana ito sa pagdadrive nang magsalit ulit ako.
"Nero, anong kasalanan ko sa'yo? Bakit ganyan siya sa akin?" Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin.
"Florence, ano na naman? Pinagbigyan na kita, bakit ganyan na naman ang tono mo sa akin na parang ang sama kong asawa?!"
"Dahil hindi mo pinapansin ang nararamdaman ko, ang nararamdaman namin ng mga anak mo. Natutuwa lang kami kasi pinansin kami ng ninong nila, natutuwa lang kami dahil paborito sila ng ninong nila. What is wrong with you Nero?"
"What the—ako pa Florence? Ako pa ang tinatanong mo ng ganyan? God, baby. Si Owen lang ang pinag uusapan natin, bakit parang kung makakilos ka ay nakita mo ang paborito mong artista?! He is just Owen, Florence. He is just Owen!" Iritado siyang napahilamos sa kanyang sarili.
"He is beyond an artist Nero! He is the godfather of our child, he's our baby's ninong." Tumulo na ang luha ko. Bakit hindi maintindihan ni Nero ang nararamdaman ko?
"What the—stop crying Florence! For pete sake! Bakit ba natin pinag aawayan si Owen? Ofcourse, he is our baby's ninong. Hindi ko nakakalimutan 'yon, stop crying baby. Anong gusto mo? I'll call him, hindi ko na siya papupuntahin sa ibang bansa. Sasabihin ko kumanta na lang siya ng kantang hindi ko maintindihan sa bahay." Pinunasan niya ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.