Chapter 63

316K 10.2K 2.7K
                                    

Chapter 63


Ninong Sean Owen Ferell

Hindi pa rin umuuwi ang mag asawa, kaya wala kaming mapagpiliang mga ninong kundi maghalinhinan sa pag aalaga sa triplets. Tumawag sa amin si Nero na baka sa kabilang linggo pa sila makauwi ni Wada.

"Hindi pa rin ba sila makabuo? It's been what? Nine days?" tanong sa amin ni Troy.

"Nanghihina na yata si Nero, nakakahiya siya." Naiiling na sabi ko.

"They should go to yugyugan festival, there's a fertility rites on their traditional dances. Madali daw mabubuntis ang babae kapag sumabay sumayaw ang mag asawa sa kanilang sayaw." Sabay sabay kaming napalingon sa sinabi ni Aldus.

Itong si Aldus, masyado nang mahumaling sa yugyugan festival. Lagi ko na lang ito naririnig sa kanya.

"Gago ka ba Aldus? Yugyugan festival na lang ba ang alam mong festival? It's not yugyugan festival! It's a Catholic Festival in Bulacan. They called it Obando Fertility Dance." Paliwanag ni Tristan.

"Palibhasa kapag nakarinig si Aldus ng festival, yugyugan lang ang napasok sa isip niya." Ismid na sabi ko.

Malakas na tumawa sa amin si Aldus na parang may sinabi kaming nakakatawa sa kanya.

"Can't you just tell me that all of you are bitter? Have you ever attended yugyugan festival? Oh shit! Sorry cousins, I forgot. Mga single nga pala kayo, paano kayo makakasali sa yugyugan festival?"

Kung hindi lang nakasakay sa katawan ko si Rance ay nakabangon na ako para lagyan ng buhangin ang bibig ni Aldus. Isa siyang malaking gago na mahilig sa yugyugan!

"Fvck you Aldus!" halos sabay sabay kaming nagmura sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng Montenegro Hotel and Resort kasama ang triplets. Matagal na nang huli kaming nagpunta sa resort magpipinsan kaya napag isipan namin pumunta dito kasama ang mga anak ni Nero.

Nakahiga kami sa buhangin sa ilalim ng init ng araw, nakasakay sa akin si Rance. Nakasakay naman si Tovar kay Tristan at si Vino naman ay kay Troy. Si Aldus, siya ang may dala ng camera at nakakuha sa amin ng litrato.

Lahat kaming pito ay nakasuot ng googles kahit hindi naman kami naglalangoy, dahil abala lang naman ang mga triplets sa paglalagay ng buhangin sa katawan naming tatlo at kung hindi kami mag gogoggles magpipinsan, kahit ang mga mata namin ay lalagyan ng triplets ng buhangin.

"Siguradong mumurahin tayo ni Doll kapag umuwi sila ni Nero, sunog na ang triplets pagdating nila. Mas maitim na sila kaysa kay Nero." Sabay sabay kaming tumawa sa sinabi ni Troy.

Tuloy lang sa pagsalok ng buhangin si Rance gamit ang kanyang laruang panghukay at tuwang tuwa siya habang nilalagay ito sa aking katawan. Inaalalayan ko na lamang siya kapag tumatagilid siya para sumalok ng buhangin.

"Ang daya nyong tatlo, I want to play with them too." Tumigil na sa pagkuha ng picture si Aldus at naupo na ito sa buhanginan.

Pansin ko na napapangisi ang ibang mga guest ng resort kapag nadadaanan kaming magpipinsan na kasama ang triplets na kapwa mga nakagoggles rin.

"Hindi ba talaga tayo lalangoy? This is too much sunbathing, baka magka sunburn ang triplets. They have the sensitive skins." Tanong ni Tristan.

Napansin ko na magkakakulay na nga kaming lahat dito.

"How? Nag eenjoy pa ang triplets sa paglalagay ng buhangin sa paglalagay ng buhangin sa katawan natin." Sabi ko, kanina pang tumatawa si Rance kapag pinapagpagan ko ang mukha ko na naglalagyan na rin ng buhangin.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon