Chapter 45
Dalawang linggo na simula nang umalis ako sa bahay. Walang palya sa pagpunta dito sa mansion si Nero para kumbinsihin akong umuwi na at magkaayos na kami. Pero papaano ako uuwi kasama siya kung hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala sa akin?
I can't see his sincerity, sinasabi niya lang na naniniwala siya sa akin dahil gusto na niya akong umuwi. Kung ako ang bibigay sa aming dalawa, mauulit na naman ang mga pangyayari, hindi siya matututo at kakampihan na naman niya ang daddy at ang magaling na si Amira kung magkataon na magpang abot na naman kami.
Hindi ko siya kayang pakisamahan sa ilalim ng iisang bubong habang naiisip ko na hindi niya ako kayang pagkatiwalaan, na kilala niya ako bilang asawang buntis na masama ang ugali na walang galang at walang pakialam sa kapakanan ng sariling mga kapatid. Damn it.
Hanggang ngayon, kahit pilit kong inaabala ang sarili ko sa pag iisip nang iba hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang kawalang hiyaan ng Amirang 'yon. Hindi lang ako ang nagulo niya, ang tahimik na samahan namin ni Nero pati na rin ang relasyon ni Sapphire at Aldus. Pati na rin si lolo na araw araw humaharap sa mga Ferell para ipagtabuyan ang mga ito.
Napakinggan ko si lolo kagabi na may kausap sa telepono at nakilala kong si Daddy ang kausap niya, mukhang ayaw pa nitong makipag usap ng personal tungkol sa malaking problemang ito. Masyado na siyang nahumaling sa santa niyang asawa. Wala man lang pakialam sa amin dalawa ni Sapphire.
"Pati ba sa trabaho mo sinusundan ka pa rin ni Aldus?" tanong ko sa kapatid ko na nakaharap sa kanyang laptop.
"Yes, hindi na siya nagsawa." Tipid na sagot niya sa akin.
"Do you think this is really ideal? Na lumayo tayo at mas patagalin natin ang away?" tumingin na sa akin ang kapatid ko.
"Yes, mas mabuting lumayo ka muna Florence. Mas nakakabuti 'yan sa kambal, isa pa baka ma stress ka lang kapag nakikita mo ang asawa mo na ang tingin sa'yo ay isang malditang buntis, na exaggerated sa lahat ng oras at kailangang pagpasensiyahan. You're not like that. Si Amira de santita ang dahilan nang lahat. Don't worry, sasamahan kita dito, habang galit ka kay Nero galit din ako kay Aldus, magsama ang abnoy na magpinsang 'yon. Baka akala nang Aldus na 'yon di ko nakakalimutan ang pinagsasabi niya sa akin." Buong akala ko ay ako lang ang sobrang nagagalit simula nang pumutok ang problemang ito pero pansin ko na sobra na din ang galit ng kapatid ko kay Aldus.
"Paano nga ba kayo nadamay dalawa? Nang huli kitang nakausap sa telepono nasa yugyugan festival lang kayo. What happened?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi kami natuloy sa yugyugan festival dahil tumawag ang mommy niya nang gabing dapat aalis kami. Sinabi nito na ang girlfriend daw ni Aldus ay sobrang sama ng ugali na ang asawa ng kanyang sariling ama ay biglang sinabunutan at dito na siya nagdrama na paano daw kapag nagsasama na kami ni Aldus baka daw gawin ko rin ito sa kanya. Like seriously? Bakit naman ako pupunta sa bahay nila?! Sinisiraan lang ako kay Aldus." Kahit ako ay biglang kumulo ang dugo dahil sa narinig ko.
"Pero paano agad nalaman ng mama ni Aldus?"
"Tinatanong pa ba 'yan Florence? Amira is connected to Nero's mom, baka sinabi na ni Amira sa magaling mong biyenan ang nangyari. Siguradong mabilis kakalat ang balita sa mga anti Almero sisters. Trending." Kibit balikat na sabi nito.
"Ano pa ba ang gusto nila sa atin? Tahimik na tayo, nakikisama na lang tayo sa kanila kung may hindi maiiwasang mga gatherings pero talagang humahanap sila ng butas." Napabuntong hininga na lamang kami ni Sapphire.
"Ganun talaga Florence, kapag ayaw talaga sa'yo ng tao kaunting pagkakamali mo gagawin na nilang isang malaking gulo. At ito ang ginagawa sa atin ng biyenan mo at ang aking biyenan sa hinaharap." Ismid na sabi ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.