Chapter 16

412K 11.1K 2.4K
                                    

Chapter 16


Back to present


Florence Celestine Almero Ferell


Kasalukuyan na kaming nasa reception na pinili kong ganapin sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ang lugar kung saan nangyari ang pinakamagagandang pangyayari sa aking buhay, ang lugar kung saan ako pinaluha, lugar kung saan ako lubos ngumiti at tumawa, lugar kung saan ako nakakilala ng mga hindi pangkaraniwang lalaki na hindi ko akalaing matatagpuan ko sa isang lugar, sa loob ng isang pagkakataon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat nang nangyari sa buhay ko. Sa kabila nang mga masasakit na nakaraan na naranasan ko, nagpapasalamat ako dahil pilit itong tinabunan ng masasayang mga alaalang ibinigay sa akin ng mga Ferell.

Gusto kong masaksihan ng lugar na ito ang pinakasayang sandali nang buhay namin ni Nero. Ang mansion ng mga Ferell. Ang lugar na itinuri kong isang napakagandang paraiso. Ang lugar kung saan hinubog ang lalaking minahal, mahal at mamahalin ko habang nabubuhay ako sa mundong ito.

Napangisi na lang ako nang paingayin ng mga bisita ang mga baso.


"Oh, oh. Mukhang nakukulangan pa ang mga bisita natin sa nangyaring halik sa simbahan. Umpisahan mo na Mr. Ferell! Wala na si father! Unlimited kiss it is" natatawang sabi ng baklang emcee na siyang nag hohost ng event.

Nagkalat ang mga lamesang may kanya kanyang mga dekorasyon sa buong kapaligiran nang napakalawak na mansion ng mga Ferell. Maging mga magagandang bulaklak ay nagsabog na siyang lalong nagbigay kulay sa buong lugar.

Kapwa nakaupo na ang mga bisita na patuloy sa pagpapaingay ng kanilang mga baso.


"Come on wife" hindi na ako nakaangal nang hagipin ni Nero ang baba ko nang walang pasabi. Mabilis lang naman niya akong hinalikan sa aking mga labi.

Akala ko ay hindi niya ito patatagalin pero nang maramdaman kong nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi ay agad akong kumalas. We've been kissing too much from the church. Nakakahiya na sa mga bisita.

Ngumisi lang sa akin si Nero bago siya muling humarap sa mga bisita sa napakakaswal na paraan. Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos nang halik namin na siyang natural na ginagawa ng mga bisita. Haist.


"Dear friends, I hope you enjoy our foods" maiksing sabi ni Nero bago niya hinagip ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

May ilan pang sinasabi ang emcee sa mga bisita pero hindi ko na ito naintindihan. Dahil nagsisimula na rin ang kamay ni Nero Sebastian Ferell sa ilalim ng lamesa.


"Come on dear husband. Can't you wait?" sabi ko habang pasimpleng sumusubo ng pagkain para hindi mahalata ng ilang bisita na nagawa na ng kanyang trabaho ang aking hindi makapaghintay na groom.

Mas lalo siyang lumapit at marahang bumulong sa akin. Damn.


"Can't they go away? They can take out the foods" nangunot ang noo ko sa sinabi niya habang tinatampal ang kamay niyang pilit nilililis ang wedding gown ko.

Saan siya nakaattend ng kasalan na take out na lang ang pagkain ng bisita? Bakit parang kung makakilos itong si Nero ay wala pang nangyayaring gapangan at sisidan sa pagitan naming dalawa? Parang hindi pa ako buntis kung makabulong bulong ang shokoy na ito.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon