Chapter 48

300K 9.8K 2.7K
                                    

Chapter 48


Mas lalong bumigat ang tensyon sa loob ng na napakalaking mansion. Karamihan sa mga kamag anak ko ay nakaawang ang mga bibig habang nakatitig kay Tristan.

Lahat ng mga tao sa loob ng mansion ay alam ng matagal nang patay si Tristan, magpipitong taon na ang nakakalipas. Tanging kami lang ng mga pinsan niya, si LG at ang kapatid ko ang may alam na buhay siya.

Ramdam ko ang bahagyang paghawak ni Nero sa aking bewang para alalayan ako sa mga nangyayari. Kahit ang tatlong pinsan niyang, si Troy, Aldus at Owen ay tulalang hindi inaasahan ang pagdating ni Tristan. Kung ganon, siya ang nagbigay ng maling balita sa dalawang pamilya.

Minsan na rin nasabi sa akin ni Nero na nagtatalo na rin sila ni Tristan noon pa man kung kailan ito magpapakita sa kanilang pamilya, pero hindi ko inaasahang ngayon siya magpapakita, sa ganitong sitwasyon.

Lalong lumakas ang iyakan ng mga babaeng Ferell, ang ilan sa mga lalaki ay inaalalayan na ang kanilang mga asawa na nawalan ng malay.

"What the hell is going on here?!" malakas na sigaw ni Gio.

"Stop this already, Florence had enough of blaming since my fake death. Handa akong akuin ang galit nyong lahat, sa akin nag umpisa ang malaking gulong ito. Gusto ko nang tuldukan ang lahat." Mahinang sabi ni Tristan.

Pansin ko na nakaawang na ang bibig ng Mama, tulala na rin si Daddy habang patuloy lang sa pag iyak si Amira. Litong lito na rin si lolo, habang tulala naman si LG.

Tulala na ang mga lalaking Ferell, pansin ko na kasama ang mama ni Tristan sa nawalan ng malay. Samantalang ang kanyang daddy ay parang naiiyak na rin.

"You're alive?!" malakas na sigaw habang umiiyak na sabi ng ate ni Tristan. Nagmadali itong tumayo mula sa sofa, buong akala ko ay yayakapin niya ang kanyang kapatid pero napasinghap na lang ako nang sunod sunod niyang pinagsasampal si Tristan.

"Natiis mo kami! Natiis mo kaming lahat! Anong klaseng anak ka?! Anong klaseng kapatid ka?! Anong klaseng tao ka?! Tristan, anim na taon! Anim na taon mo kaming ginawang tangang lahat! Nasaan ka?! Anong pinaggagawa mo. sa buhay mo?! Bakit mo kami pinaniwalang patay ka?! Wala kang puso! Wala kang puso! Anong tingin mo sa aming pamilya mo?! Tristan! Bakit!? Anim na taon! Anim na taon!" walang tigil sa paghampas at pagsampal sa kanya ang kanyang ateng umiiyak.

"I'm sorry, I'm sorry. I'm sorry Ate.." mahinang sabi ni Tristan habang tinatanggap lang ang bawat paghampas sa kanya ng kanyang ate.

"Gago! Sinalo lahat ni Florence ang galit ng buong angkan mo! Sinalo lahat ng pamangkin ko! Anim na taong hirap na hirap ang pamangkin ko! Tingnan mo! Tingnan mo! Hanggang sa pagbubuntis niya, pinepeste pa rin ang pamangkin ko nang mga walang alam mong kamag anak! Ginawa mong miseble ang buhay ni Florence!" Malakas na sigaw ng tito ko.

Muling nagsigawan ang mga tita ko, malalaki na ang hakbang ni Tito Gil papalapit kay Tristan. Buong akala ko ay pipigilan siya ni kuya Nik at Gio pero hindi ito ginawa ng mga pinsan ko. Hinayaan nila itong makalapit kay Tristan. Agad itinulak ni Tristan ang kanyang kapatid bago siya tamaan ng suntok mula kay Tito dahilan kung bakit ito nawalan ng balanse at matumba.

"Tito No! No! Please stop!" sigaw ko.

Napangibabawan niya si Tristan at pinaulanan niya ito ng suntok.

Nagtayuan na si Owen, Troy, Aldus at maging si Nero at mabilis silang nagtakbuhan para tulungan si Tristan. Akala ko ay aawat ang mga tito ko pero karamihan sa kanila ay gusto rin kuyugin si Tristan.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon