Chapter 56
Sinabi ng doctor na kailangan ko munang tumigil ng isang linggo sa hospital para mas ma monitor ang kalagayan ko.
Apat na araw na kaming nasa hospital at halos hindi kami mawalan ng dalaw, bawat oras ay may dumadating para bisitahin ako at tingnan ang mga anak namin.
Our triplets are all boys, healthy, cute and adorable. Wala na kaming hihilingin pa ni Nero. We have our cute little angels.
Nakaupo ako sa kama, ganito rin si Nero habang nakadungaw sa crib ng triplets. Kakatapos lang dumalaw ng mga kaibigan ko kaya kami na lang ulit ni Nero at ang mga anak namin ang magkakasama.
"Kamukha ko silang lahat Florence. Kamukha nila si Daddy." Ngising sabi ni Nero sa mga anak naming natutulog.
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Sinabi ni Aira at Camilla na kamukha ko daw ang triplets. Not you Nero. Himatayin naman si Daddy." Pang aasar ko sa kanya.
"Sinong hinimatay?" ngising tanong niya sa akin. Umalis siya sa tabi ng triplets at lumapit siya sa akin.
"Sinong hinimatay Florence?" ilang beses niya akong hinalikan sa aking pisngi.
"Tapos gusto mo pang sumama sa loob ng delivery room? Baka mapabangon ako sa aking panganganak kapag nakita kitang hinimatay. Goodness Nero, hindi ko akalain na totoo ang sumpa." Natatawang sabi ko.
Marahang yumakap sa akin si Nero.
"Sundan na natin" ngumiwi ako sa sinabi niya.
"Nero, kaaanak ko lang. Ibibili muna kita ng mineral water, doon mo muna isuot." Tumawa siya sa sinabi ko.
"Just kidding" ngayon naman ay mabilis siyang humalik sa labi ko.
"So what's their name? Ang dami nang nagtatanong sa atin." Tumaas ang kilay ko sa tanong niya sa akin.
"Oh oh, someone is nervous. May mawawalan ng mamanahin." Pang aasar ko sa kanya.
"I don't care about my inheritance, ikaw ang bahala sa pangalan ng mga bata." Alam kong labag sa loob ni Nero ang sinabi niya, ayaw niyang masalin kay Troy ang lahat ng mamanahin niya.
"Kapag dumalaw ulit si LG, sasabihin ko na ang pangalan ng triplets. Ayos lang naman sa'yo kahit mawalan ka nang mamanahin hindi ba?" hindi agad nakasagot sa akin si Nero. Pinipilit ko na ang sarili ko na huwag tumawa.
"Of—course! Wala lang sa akin ang mamanahin ko." Ako naman ang humalik sa kanya.
"You're really the best Nero!" natahimik na siya at binuhay na niya ang tv. Kapag sinusulyapan ko siya, hindi man lang siya nakakapansin sa akin at tulala pa rin ito sa tv.
Baka nag iisip na siya kung paano niya gagatasan ang triplets, may naipon ba itong si Nero? Hindi na siya nagtrabaho simula nang mabuntis ako. Maghihirap nga kami kapag napunta lahat kay Troy ang mamanahin ni Nero.
Baka makasama kami ni Nero sa populasyon ng mga mag asawang 'gawa nang gawa ng anak, hindi naman kayang pakainin'
Natatawa ako sa iniisip ko. Ofcourse, I won't let Troy gets all our treasures. Ang kay Nero ay kay Nero, pang gatas din ng triplets ang mamanahin.
Problemado tuloy ang asawa kong himatayin.
Sabay kaming napalingon sa pintuan nang mabuksan ito, si Gio at Kuya Nik. Hindi nila kasama ang kambal. Tumayo si Nero para salubungin ang mga ito, tinapik ni kuya Nik ang balikat ni Nero at nagtanguhan lang naman sila ni Gio.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.