Chapter 52
Ninong Aldus Raphael Ferell
Simula nang malaman ko na hindi ako kasama sa listahan ng pinaglihian ni Warden, hindi na ako sumasagot sa tawag ni Troy, Owen at Tristan. Masama ang loob ko, masamang masama ang loob ko.
Hindi ako bitter, hindi lang talaga katanggap tanggap ang nangyaring paglilihi. I was expecting that she'll crave for my innocent face. Wala nito ang mga pinsan kong gago.
Hindi mukhang inosente si Troy, mukhang siyang pera. Hindi mukhang inosente si Owen, mukha siyang manyak. Hindi mukhang inosente si Tristan, mukha siyang laging mga masamang iniisip. At lalong hindi mukhang inosente si Nero, mukha siyang laging mainit ng ulo.
Kung tutuusin sa aming magpipinsan ako ang dapat paglihian ni Warden para maging mukhang anghel ang kambal. Sinong paglilihian ang pagiging tagapagmana ni Troy? Si Owen na laging nakakagat ng aso? O si Tristan na laging tulog. Wala, walang matino sa kanila kundi ako lamang. Pero ano naman ang ginawa sa akin ni Warden? Isinantabi niya ang pagiging magandang lalaki ko.
Hindi ko pinapansin si Sapphire na kanina pa akong inaasar at tinatawanan dahil sa pagkainit ng ulo ko. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi pinaglihian si Troy, Owen at Tristan. Natapakan ang dignidad ng pagiging ninong ko.
"You're so funny Aldus, hayaan mo na ang kapatid ko. Wala tayong magagawa, wala ka naman kasing talent." Napangiwi ako sa sinabi ni Sapphire. Bakit sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay mas ginatungan niya pa?
Nagpatuloy lang ako sa pag babrowse ng picture ko na may kasamang babae na nag eendorse ng isang kilalang alak, isa dito ang mapipiling ilagay sa billboard sa Manila sa susunod na buwan.
"I have talents Sapphire, you're my girlfriend. Dapat alam mo." Tipid na sagot ko sa kanya.
"Oh, nagtatampo ka na niyan sa akin Raphael? Come here baby boy. Don't worry, paglilihian naman kita kapag nabuntis ako." Hindi na ako nagulat nang bigla siyang naupo sa kandungan ko at hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Ito ang pinakagusto ko sa mga ginagawa ni Sapphire, gustong gusto ko na naglalambing siya sa akin kapag sumasama ang loob ko. Sa isip ko gusto ko na siyang halikan, and even more on my own table. Pero nasa opisina kami, sa susunod na lang siguro. Magpapalambing na lang muna ako.
"Paano mo ako mapaglilihian? ayaw mo namang makabuo." Matabang na sagot ko sa kanya.
"Because it's too early babe. Don't worry, maabutan din natin ang dami ng anak ni Florence at Nero. Pagkatapos kong manganak, siguro pagkatapos ng isa o hanggang dalawang buwan pwede na ulit akong magbuntis." Ako ang napanganga sa sinabi ni Sapphire.
"Hindi ba delikado 'yan?" ngiwing tanong ko.
"Depende, malakas naman ako Aldus. I can do it, we can do it. Gagawa tayo ng maraming babies, hindi ba at padamihan kayo ng anak magpipinsan? Don't worry mangunguna tayong dalawa. Sa galing mong sumisid." Kumindat pa sa akin ang magaling na babae.
Ngumisi na ako sa kanya, bigla siyang napahawak sa balikat ko nang maramdaman niya ang ginawa ko. I did unhook her bra.
"Nakalock ba ang pintuan?" nakataas na ang kilay niya sa akin.
"Always, basta nandito ka."
Walang nagawa ang opisina, hindi kami mapipigilan ng babaeng mahal ko.
Natapos ang pag alala ko sa nakaraan, kung mag isa si Nero. Mag isa rin ako, magkasama ang magkapatid sa mansion ng lolo nila at halos isang buwan ko na rin hindi nakakausap o nahahawakan si Sapphire.
![](https://img.wattpad.com/cover/85160563-288-k802364.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.