Chapter 35

333K 11K 2.6K
                                    

Chapter 35


Pagkatapos ng kalahating oras na pagpapahaba ng pasensiya ni Nero ay tinawagan na niya ang pinsan niya. Hindi naman naging mahaba ang pag uusap nila ni Tristan dahil mabilis itong pumayag sa hinihiling ko.

Mamaya pang tanghali ang pagpunta niya sa bahay kaya bumaba muna kami ni Nero para kumain.

"Saan tayo magpapalipad mamaya Nero?"

"May alam kaming lugar ni Tristan, hindi na masyadong malayo dito. Baka mapagod ka sa biyahe." Ngumisi ako sa kanya at madiin ko siyang niyakap.

"Thank you Nero.." tumango na lang ito sa akin at nagpatuloy siya sa pagkain.

Nasa kusina na naman kaming dalawa, nakakalong ako sa kanya at sinusubuan namin ang isa't isa.

"Florence, masaya na akong apat ang anak natin. I am not asking for six, ayokong mahirapan ka pang manganak." Natigil ako sa pagsubo.

"It's fine Nero, dalawa na itong nasa tiyan ko. Apat na lang, hindi naman masamang manganak taon – taon, marami naman tayong pera. Sa mamanahin mo pa lang, hindi na mauubos ng anim. Bakit gagawin mo pang apat?" napainom ng tubig si Nero sa sinabi ko.

"Are you sure Florence?"

"Hindi ba at ikaw pa ang may sabi na atleast minimum of six?"

"Wala akong matandaan." Nagkakaamnesia ba ang mga nakakabuntis?

"Sinabi mo 'yon nang birthday ng mga pamangkin ko habang hinahaplos mo ang binti ko ng sapatos mo sa ilalim ng lamesa. Remember?" Hindi nakasagot si Nero at nagpatuloy na lamang itong kumain.

Pinagmasdan ko na lamang si Nero at kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

"Nero, ayaw mo na bang magkaanak sa akin?" nasamid siya sa sinabi ko.

"Florence, I am just suggesting. Ofcourse, I want a lot of babies from you. It's just that—" itinigil niya na ang dapat niyang sasabihin.

"That? What Nero?"

"Florence, hindi na normal ang paglilihi mo. Hindi ko alam kung pinagtitripan mo ba ako o ano. Ewan, you are stressing me but I still love you and our babies."

"Nero, inaaway mo kami ng kambal." Mahinang sabi ko sa kanya habang hawak ko ang aking tiyan.

Lumingon siya sa akin na nakaawang ang mga labi.

"Sa susunod Florence, sa umaga na tayo bubuo ng bata. Ayaw ko na sa alas dos! Ayaw ko na! Sa kama na din, ayaw ko na sa buhanginan!" Pinunasan niya ang luha ko sa pisngi.

"Stop crying Florence, hindi na ako uulit. Ako ang nagkamali, nagugutom lang siguro ako kanina kaya may nasabi ako sa'yo. Normal ang paglilihi mo, sadyang may batang sisipa kahit dalawang buwan pa lamang, may mas gugustuhin mong makita ang mga ninong kaysa sa ama, may mga buntis talaga nahihilig sa kalapati at nakakalimutang may nagugutom na asawa at maraming buntis ang nahihilig sa sabon panlaba. Normal magbuntis ang misis ko, normal na normal." Ilang beses akong hinalikan sa labi ni Nero bago niya ako inabutan ng tinapay.

"Eat, baka nagugutom na rin ang kambal Florence. Ayaw ng daddy na magugutom ang mommy at baby." Hinawakan na niya ang aking tiyan.

Nagpatuloy kami sa pagkain ni Nero, pero hindi din nagtagal ay tumunog ang kanyang telepono. Nakita kong ang daddy niya ang tumatawag. Kumunot ang noo ko, bihira lamang tumawag ang parents ni Nero simula nang ikasal kami.

"Yes Daddy?"

Tumigil ako sa pagkain at pinagmasdan ko si Nero, sumulyap ito sa akin bago niya inilhis ang mata niya sa akin. What's that?

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon