Chapter 47

300K 10.8K 6.1K
                                    

Chapter 47


Ramdam ko ang tensyon sa loob ng mansion ni lolo. Kailan ba huling nagkaroon ng ganito karaming tao dito? Noong bago kami ikasal ni Nero. Tanda ko pa na medyo maayos na ang samahan ng magkabilang pamilya pero mukhang magkakaroon na naman ng malaking distansya dahil sa pangyayaring ito.

Kalmado na ang mga tao, lahat ng mga babae sa bawat pamilya ay nakaupo habang ang mga lalaki ay nanatiling nakatayo. Kinuha ni lolo at ni LG ang mga baril na dala ng bawat pamilya.

Hindi lang pala ang mga tito ko ang may dala, maging ilan din sa mga lalaking Ferell ay may dala rin nito. Mabuti na lang at alerto si Tito Pio at naagaw niya ang baril kay Tito Gil na mainitin ang ulo.

Nakaalalay pa rin sa akin ang aking kapatid dahil napapansin niya ang ilang beses na paghawak ko sa aking tiyan. Kita ko ang tangkang gustong paglapit sa akin ni Nero pero umiling ako sa kanya, mas mabuting sa kanyang pamilya muna siya sumama lalo na at ang pag aaway rin namin dalawa ang dahilan kung bakit kami natipong lahat dito.

Pero ang malaking tanong, ano pa ang pinaplano ni Amira at Mama. Anong pasabog ang gagawin nila? Bakit nila tinipon ang lahat sa iisang lugar? Bakit? Hindi ba at mas mapapasama ang sitwasyon nila kapag nalaman ng lahat?

Hindi ko malaman kung ano ang iniisip nila.

Pansin ko na may dinudukot sa kanyang bag ang magaling kong biyenan at nang makita kong telepono ito, agad kumunot ang noo ko. Siguradong babalaan na niya si Amira. No way!

"Walang hahawak ng telepono!" sigaw ni Sapphire.

Kita ko ang biglang pag asim ng mukha ng mga tiyahin ng mga Ferell sa ginawang pagsigaw ni Sapphire. Ibinalik ni Mama ang kanyang telepono sa kanyang bag at masama niyang tiningnan ang kapatid ko at ako.

"Pwede ba naming malaman kung ano ang pinagmulan ng gulong ito? Habang hinihintay natin ang babaeng kailangan nating lahat." Pormal na sabi ni Daddy Eneru. Nero's dad.

Tama lang na may nalalaman sila sa mga nangyayari, hindi dapat basta na lamang silang susugod at ipagtatanggol ang kamag anak kahit hindi pa alam ang sitwasyon.

"It's because of them hon!" galit na sabi ni Mama.

"Nerissa, papakinggan namin ang bawat panig." Nagtanguhan ang ilan sa mga Ferell, maging ang mga kamag anak ko.

Ipinaliwanag namin ni Sapphire ang totoong nangyari, simula sa pagpunta namin sa bahay hanggang sa abutan namin sila ni Amira, pagpapalayas naming magkapatid kay mama at kung bakit namin siya pinalayas, alam na rin naman siguro ang dahilan. Umabot sa nangyaring pagbato sa akin ni Amira, hanggang sa sabunutan siya ni Sapphire. Ang huling nagpagulat sa lahat ay nang sabihin namin na sinabi ni Amira na matagal na silang magkakilala ni Mama at imposibleng hindi nito nakilala ang asawa nito.

"Nerissa! What's the meaning of this?!" sigaw ni Daddy Eneru.

"Mga sinungaling ang mga babaeng 'yan! Bakit hindi kayo sa akin maniwala?!" pagtanggi pa nito. Pakinig ko ang mga mura ng mga tiyuhin ko mula sa likuran. Ramdam ko na pinipigilan na sila ng mga tita ko.

"Nagmamatigas pa talaga siya Florence." Naiiling na sabi ni Sapphire.

Tahimik na lang ang limang magpipinsan at hindi na makapagsalita sa mga nangyayari. Balisa na rin si Nally, kapatid ni Tristan at ilang mga tiyahin nila na walang tigil sa pagpaypay dahil sa kaunting hangin.

"Tang ina si Lorenzo na naman ang problema! Ang gagong 'yon na wala nang ginawang tama!" Iritadong sabi ni Tito Gil.

Alam kong hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ang buong angkan ng Villacorta kay Daddy, at sigurado akong mahihirapan na itong maayos. Lalo na ngayong kita nilang si Daddy na naman ang problema ng lahat.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon