Chapter 23

370K 10.1K 1.4K
                                    


Chapter 23


Lumipat na kami ng sasakyan at sa pagkakataong ito ay si Tristan na naman ang nakaupo sa driver's seat na labag lang naman sa kanyang kalooban. Mga tamad naman kasing mag drive ang natitirang mga shokoy. Ilang beses pa nilang pinilit si Troy na ito naman daw ang mag drive dahil kahit isang beses daw ay hindi nila ito nakitang nagmaneho sa tuwing nagkakasama sama silang lima sa iisang sasakyan pero kahit anong pagpilit nilang apat ay mahigpit na tumanggi ang tagapagmana.

Huwag na daw tumuloy kung gagawin siyang driver. Nakarinig pa ako ng walang katapusang murahan at sumbatan sa kanilang lima bago may umupo sa driver's seat. Hindi ko maiwasang mapahawak sa tiyan ko habang nagtatalo ang mga shokoy sa kung sino ang magmamaneho, dyosko anak huwag na huwag kang magmamana sa daddy mo at sa mga ninong mong mga shokoy.

Kung magbiyahe na lang kaya tayo baby? Hayaan na lang natin ang daddy mo at ang mga ninong mo na magbonding ng kanila.


Hindi pa rin pinapaandar ni Tristan ang sasakyan. Dahil ayaw pa rin daw nitong magmaneho, nagrereklamo ito na kulang daw siya sa tulog.


"Paano kung mabangga tayo kapag inantok ako? Kayo ang magdrive dito!" angil na sabi ni Tristan sa kanyang mga pinsan.


"Gago! Huwag mong ibabangga! Mapapatay kita Tristan" iritadong sagot sa kanya ni Nero na katabi ko. Nabibingi na ako sa kanilang lima.


"A...ray.. a..ray.. masakit ang likuran ko mga pinsan.." madramang sabi ni Aldus sa unahan na parang paniniwalaan naming lahat.


"Stop faking it Aldus, drive this van. We need to go.." cool na sabi naman ni Owen.


"Bakit hindi ikaw Owen ang magdrive?" asik ni Aldus sa kanya.


"I can't be exhausted today. I still have paintings to be polish for tomorrow, hindi pwedeng mapagod ang kamay ko" simpleng sagot ni Owen na nakapagpahanga sa akin. Maniniwala na sana ako sa kanya nang magsalita si Troy.


"Painting huh? Akala ko ba ay maglalaro tayo bukas ng gabi ng billiards kasama si Triton at Elliot? Ang dami mo namang gagawin Owen" napailing na lang ako sa sinabi ni Troy.


"Should I drive? Ako na lang ang magdadrive! Nakakahiya naman sa inyong lima, ang laki ng mga problema niyo" iritado na rin ako sa kanilang lima. Hindi na yata sila nagkasama sama na hindi nagtatalo. My god.


"No, you stay here. Come on cousins, mag volunteer na ang isa sa inyo. Wala tayong mararating kung magtuturuan pa tayo kung sino ang magdadrive" agad na sabi ni Nero. Napasandal na lang ako sa aking inuupuan, siguro ay mga kalahataing oras pa silang magtatalo bago may isa sa kanila na pumayag nang magdrive.


"Ikaw na lang sabi Troy!" pagpupumilit ni Aldus sa kanya.


"I told you, I can't. Alam niyo namang hinihika ako.." maarteng sabi ni Troy.


"Gago! Kailan ka pa nagkahika Troy?" iritado na rin si Tristan.

Alam kong hindi nila mapipilit si Troy kahit anong mangyari. Kailan ba nanalo sa tagapagmana ang natitirang apat na mga shokoy? Sa lahat naman ng pagkakataon ay pinapaburan nila ito, magbabato muna ng maraming mura sa kanilang paboritong pinsan pero sa huli si Troy ang mananalo.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon