Chapter 19

384K 10.2K 1.7K
                                    

SPG 


Chapter 19


Para akong nakakita ng isang anghel na bumaba mula sa langit nang makita kong si Tristan Matteo Ferell ang siyang taong naghihintay sa labas. Halos maluha luha ako habang pinagmamasdan siya, my god Tristan. Kung alam niya lang kung papaano ako pahirapan ng pinsan niyang hari ng mga shokoy, magsama sila ng lahat ng bote ng mineral water. Damn Ferell.


"What happened to you Warden Doll?" kunot noo akong pinakatitigan ni Tristan. Siguro ay napansin niyang sabog na sabog na ang buhok ko, paano pa ako gaganda kung ang pilyo kong asawa ay pinagtitripan ako? Yes nahawakan ko na 'yon at nabuntis na. Pero nahihiya pa rin ako! My god, ewan ko ba. Ang sakit sa ulo ni Nero.


"Nothing, sundan mo na ako. Nero needs help" nagkibit balikat lang naman ito at sumunod na ito sa akin. Ano kaya ang magiging reaksyon ng isang ito? Gagana na naman kaya ang pagkashokoy niya kapag nakita niya si Nero?

Nang makarating kami sa kwarto ay agad kong narinig ang pagmumura ng magpinsan nang magpangita silang dalawa.


"What the fvck Nero? You looked awesome" ngising sabi ni Tristan habang nagsisimula nang lumapit kay Nero. May kinakapa siya sa kanyang bulsa at halos sabunutan ko na ang sarili ko nang makitang telepono ito. Mabilis siyang nakalapit kay Nero na nagpapaulan na naman ng malulutong na mura habang abala na si Tristan sa pagkuha ng litrato nilang magkamsa. Oh shit, wala na ba talaga akong mapipiling matino sa limang ito?


"Fvck, bakit nagtawag ka na naman ng gago Florence?" sa pagkakataong ito, hindi masyadong malakas ang boses ni Nero. Mukhang napapagod naman pala siya sa pagmumura.

Kasalukuyan nang tamad na nakahiga sa kama si Tristan na katabi lang naman si Nero habang abala sa pangisi at pagpipindot sa harap ng telepono.


"Nakarating na ba sina Troy dito? I will call them. Damn, tanga mo Nero" hindi na yata matanggal ang ngisi ni Tristan sa harap ng kanyang telepono habang si Nero ay masama na naman ang tingin sa akin. Wrong choice na naman ba ako? Si Tristan na lang ang pwede kong tawagan, tumangging tumulong ang mga naunang shokoy.


"Actually, nauna pa sila sa'yo" matabang na sagot ko kay Tristan. Kita ko ang pagsuntok ni Tristan sa hangin na parang napakalaking bagay kung sino ang mauuna sa kanilang magpipinsan.


"Bakit hindi nyo ako agad tinawag? Damn, pinagpipiyestahan ka na ng mga gago sa groupchat" siniko ni Tristan si Nero na katabi lang naman niya.


"Groupchat?" nagtatakang tanong ko.


"Ang mga gago may ginawang groupchat, kaming lima at si LG" napangiwi na lang ako sa sinabi ni Nero, hindi ba sila nagsasawang anim sa isa't isa? Parang hindi sila magkakasama sa iisang mansion? Magkakasama na nga sila araw araw, sila pa ang magkakachat. What the hell?


"Tutulungan mo ba ako dito Tristan o magpapakagago ka rin katulad ng mga pinsan mo?" naupo na ako sa kama habang pinapanuod ang magpinsan na nakahiga sa kama. Abala si Tristan sa pagngisi sa kanyang telepono habang si Nero ay nagpipilit tanggalin ang kamay sa kanyang posas.


"Pinsan mo rin sila gago" tamad na sagot ni Tristan bago muling kumuha ng sunod sunod na litrato nila ni Nero.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon