Chapter 65
Ilang araw na akong nagpapasisid at nagpapagapang kay Nero, walang palya. Umaga, tanghali, merienda, hapunan at ang pinakamatinding madaling araw.
Katatapos lang nang pang madaling araw na paggapang, hindi ko alam kung tulog na si Nero na nakayakap sa akin. Abala ako sa pagtingin ng mga pictures ng triplets na ni send ni Aldus.
They are adorable.
"Florence, matulog na ka. May umaga pa para dyan." Bulong sa akin ni Nero, humigpit ang yakap niya sa akin. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtingin ng pictures ng mga anak namin.
"Nero iba ang gagawin natin sa umaga, tandaan mong kailangan nating makabuo ng babae habang binata pa ang mga pinsan mo. Look, hindi mo ba alam na may educational plan na ang triplets dahil kay Troy?"
"Seriously? Baka lagnatin si Troy," idinantay ni Nero ang mabigat niyang binti sa akin at mas pumulupot pa siya sa akin.
"Nero hanggang saan kaya ang yaman ni Troy?"
"Hindi ko alam, matulog na tayo Florence." Muling bulong niya sa akin.
"Why don't you look first to our triplets' pictures? Matutuwa sa kanila." Nagpumilit akong humarap sa kanya, narinig ko siyang napamura sa ginawa ko.
"Masisisid ka na naman Florence, huwag ka malikot. You're bothering him, natutulog na Florence." Natawa ako sa sinabi ng shokoy kong asawa.
"Akala ko ba inaantok ka na?"
"Yes," tamad na sagot niya.
Ilang beses ko siyang pinaulanan ng halik sa labi, sa kanyang pisngi at sa kanyang mga mata.
"Wake up! Wake up Daddy, tingnan mo ang babies natin. Kung ano ano ang pinasuot ng mga pinsan mo sa kanila, they looked so cute. Manang mana sa daddy Nero." Walang nagawa sa akin si Nero.
Bumangon siya at binuhay niya ang lamp shade. Sumadal siya sa headboard ng kama at inabot ko sa kanya ang telepono niya. Naupo rin ako at tumabi ako sa kanya, bahagya kong hinila ang kumot para takpan ang sarili ko.
Nakataas ang kilay ni Nero na humarap sa akin na parang kinukwestyon niya ang ginawa ko.
"Malamig," kibit balikat na sabi ko sa kanya.
"Sit here baby." Ngumisi ako sa kanya.
Naupo ako sa unahan niya habang nakasandal ako sa katawan ni Nero, nakapulupot ang mga braso niya sa akin habang nakasandal ang baba niya sa balikat ko.
"Nilalamig pa ang misis ko?" kinuha niya ang kumot at ibinalot niya ito sa amin dalawa.
"Mas malambing ka pala kapag alas tres ng madaling araw Nero," natatawang sabi ko.
"Anytime Hood," hinalikan niya ako sa aking pisngi bago niya sinimulan magtingin ng picture ng triplets.
"May ipinasa na sila sa akin nang mga unang araw, bago siguro ito." Hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi ko habang sabay namin pinapanuod ni Nero ang mga pictures nila.
Unang pictures ay puro selfie ni Troy na siya lang ang nakatingin sa camera at walang pakialam sa kanya ang triplets. Tawa kami nang tawa ni Nero, may mga pictures din sila na puro may chocolate sa mukha.
"Cute dalmatians," ngising sabi ko.
Ang huling picture nila kasama si Troy ay puro sila nakadapa sa kama kasama ang kanilang ninong at nakapangalumbaba sila sa harap ng camera na sobrang daming chocolate sa mukha at kamay nila. Eksaktong tumatawa ang triplets habang si Troy ay nakakunot ang noong hindi na nakatingin sa camera na parang nagulat sa pagtawa ng triplets.

BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.