Chatpter 70
Kumunot ang noo ni Nero sa sinabi ko, pero nanatili akong nakatitig sa kanya. Sa dami na nang nararamdaman ko simula nang malaglag sa sinapupunan ko ang aming anak, hindi ko na alam kung alin dito ang nagtulak sa akin para bigla ko na lamang sabihin ang mga salitang ito sa kanya.
"What Florence?" malamig na tanong nito sa akin.
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko."
"Just like this? Tatakbuhan mo na naman ako katulad ng dati? Why don't you listen to me first? I gave you time, I gave you space. Dahil alam kong ito ang kailangan mo. Florence, isipin mo rin na nawalan rin ako. Nawalan rin ako ng anak."
Hindi ko siya sinagot at tumayo na ako habang buhat si Rance. Tinalikuran ko siya at nagsimula na akong humakbang papunta sa kwarto.
"Florence, hanggang kailan tayo ganito? Inaamin ko nang nagkamali ako, hindi na tama ang mga sekreto ko sa'yo. I made a big damn mistake, at pinagsisihan ko na ito. That was my last secret Florence, wala na. Isinusumpa kong wala nang sekretong natitira sa akin." Hindi pa rin ako sumagot sa kanya hanggang sa makarating kami sa kwarto.
We never talked again, nagpapakiramdaman lamang kami hanggang sa makatulog ang triplets.
Hindi ako nakapalag kay Nero nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at mahigpit niya akong inilabas sa kwarto.
"Let's talk.." seryosong sabi niya.
Nang pababa na kami ng hagdan, walang alinlangan niya akong binuhat. Sinubukan kong magpumiglas sa kanya pero higit na mas malakas sa akin si Nero.
"Nero! Put me down!"
"Then what? Madudulas ka na naman?!" angil na sagot niya sa akin.
Akala ko ay hanggang sa sala lamang kami pero nakarating kami sa labas ng bahay. Nasa pool side na kaming dalawa ni Nero.
Hindi ko maiwasang maalala ang parehong pangyayaring ito. Binuhat din ako ni Nero sa kanilang mansion at dinala sa tabi ng pool para lamang sapilitan niyang maging girlfriend.
"What? Itutulak mo ako sa pool? Katulad ng dati? Dito ka naman magaling Nero, you're always doing something in your damn harsh way."
"Harsh way Florence? Sa atin dalawa ikaw ang laging gumagawa niyan. Hindi ako papayag sa annulment! Think about our kids Florence, think about me, think about us. I know that you're still stressed baby. If you need another month, okay. I won't bother you. Kung gusto mo na tumigil muna sa lolo mo, wala akong problema. Just..just don't push that damn annulment Florence."
"Why are you like that Nero? Bakit parang hindi ka man lang naapektuhan sa pagkawala ng anak natin?" napahilamos na siya sa kanyang sarili dahil sa sinabi ko.
"What? Do you think I'll still join your emotion Florence? Sa ganitong sitwasyon, hindi pwedeng pareho tayong mahina! If you're weak right now, I can't be weak with you baby. I need to be tough for us, nasaktan din ako nang mawala ang anak natin. But we need to move on baby, may mga anak tayong naiwan. Hindi nawala ang lahat."
"I know, alam ko Nero. We have our triplets, pero sa isang ina na katulad ko. I can't just easily move on Nero, ako ang may dala sa kanya." Muli na naman akong humagulhol sa pag iyak.
Ilang beses lang humakbang papalapit sa akin si Nero at mabilis niya akong kinabig para yakapin.
"Let's talk about everything Florence, I know that you're not serious on your words. You're too emotional, I can always understand you but please remember our past hardships Florence. Mauuwi lang sa wala ang lahat kung bibitaw na agad tayo. Next week we'll have our visitors. We need a little help, we're just in the beginning baby. Running is not a solution, you've been there Florence. Alam mong hindi naging maganda ang resulta ng pagtakbo mo sa problema."
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.