Chapter 20

423K 11.4K 1.2K
                                    

Chapter 20


Masaya naming sinusulit ni Nero ang bakasyon namin sa tagaytay. At ngayon ay masasabi kong mabuti na ang kanyang 'mood' dahil hindi na nakakunot ang kanyang noo.

Huwag ko na nga lang subukang banggitin ang salitang 'posas' dahil siguradong masisira na naman ang araw ng hari ng mga shokoy. May trauma na yata ito sa salitang posas samantalang ako, may trauma na sa bote ng mineral water.


Sa wakas ay naisipan namin lumabas ng resthouse. Tatlong araw lang naman kaming hindi lumabas dito dahil masyado siyang naging abala sa paninisid at panggagapang na ginawa na niyang oras oras. Hindi na ako nasanay na wala nga palang kapaguran ang mga shokoy.

Gapang kung gapang. Sisid kung sisid.


Kasalukuyan siyang nagdadrive ng kotse habang bahagya siyang nagheheadbang at sumisipol. Ganyang ganyan ang mga shokoy kapag busog sa dalawang bagay. Hindi ko na kailangang banggitin pa.

Lilipat kami ng lugar ngayon, sabi ng kaibigan kong si Aira maganda daw na pumunta kami sa Don Bosco Batulao kung saan sikat sikat dito ang kanilang ipinagmamalaking Chapel on a Hill na sinasabing talagang nakakatupad ng mga panalangin. Hindi ko na inaasahang papayag si Nero sa gusto ko dahil hindi naman relihiyosong 'shokoy' ang napangasawa ko. Pero ang laki na lang nang ipinagtaka ko nang walang kurap siyang pumayag sa sinabi ko.

Napag alaman ko lang naman na magdadasag daw siya na sana magbago pa ang isip ni LG na isunod sa kanya ang pangalan ng baby namin. Ayaw talaga ni Nero sa 'Garpidio Ferell Jr' baka daw mapagaya ang anak namin kay Troy na siyang kinatatakutan niyang manyari. Pero wala na siyang magagawa, mamanahin niya ang nakasalaylay dito.


Hanggang bukas na lang ang bakasyon namin ni Nero, ibig sabihin nito pagkatapos ng kinabuksan magsisimula na ang bagong yugto ng aming buhay bilang mag asawa.

Naranasan ko nang tumira sa iisang bubong kasama niya, mahihirapan pa ba akong mag adjust?


"Mag iisang buwan ka nang buntis Florence pero hindi mo pa ako pinahihirapan.." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Pinahihirapan? What do you mean? Hindi ka pa ba nahirapan sa posas Nero?" napakagat labi na lang ako sa huli kong tanong sa kanya.


"Damn, not that one. I mean the usual pregnant woman, you know? You're craving for something, like fruits or something weird foods" napatango tango ako sa sinbi ni Nero. Bakit nga ba hindi pa ako nakakaramdam ng ganito?


"Isang buwan pa lang ako buntis Nero, siguro magsisimula akong maglihi kapag nasa dalawa o tatlong buwan na ang pagbubuntis ko? I'll ask my OB about it" siya naman ngayon ang tumango sa sinabi ko.


"Nero, what do you want? Baby girl or baby boy?" nakita kong ngumisi siya sa tanong ko sa kanya.


"Five boys and 2 girls, Florence.." napanganga na lang ako sa plano niya. Sa pagkakatanda ko ay gusto niyang anim ang magiging anak namin, bakit nadagdagan na ng isa?


"Nero, hindi kasing dali ng pagsisid at paggapang mo ang panganganak. Seven?! My god, hindi ako inahing baboy shokoy ka!" napahaplos ako sa tiyan ko na wala pa namang umbok. Huwag naman sanang magkaroon ng lahing 'shokoy' ang anak ko.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon