Chapter 60
Ninong Innocent Ferell
Wala akong balak umattend sa opening ng exhibit area ni Owen dito sa Leviathan, bukod sa hindi ko naman ma eenjoy ang panunuod ng artworks niya dahil wala akong hilig dito, ayoko pang makita ng triplets dahil hanggang ngayon ay nagdadamdam pa rin ako, sumasakit ang puso ko at kumikirot pa rin.
Sinalo ko ang lahat ng konsumisyon ng mga ninong nilang pinaglihian ni Warden, tapos akong may pinakamagandang katangian? Hindi man lang napansin?
Nagtext sa akin si Troy at sinabi nitong kailangan ko daw pumunta sa exhibit ni Owen, dahil siya at si Tristan ay nandito rin daw para suportahan si Owen. Kaya wala na akong nagawa kundi pumunta.
Alam kong hindi ko na maaabot ang event, maybe I'll just attend the after party. Sa pagkakatanda ko ay mayroon din maliit na function room na pinagawa dito si Owen para kung sakaling magkaroon nga ng after party ay hindi na kailangang lumipat sa ibang lugar.
Nang makarating nga ako, tulad nang inaasahan ko ay tapos na ang event. Dahil kilala naman ako ng ilang tauhan ni Owen ay itinuro na ako nito sa function room.
Hindi ko pa man natutulak ang pintuan nito ay pakinig ko na ang umaalingawngaw na boses ni Owen, sa ibang lengguwahe. Ano na naman kaya ang kinakanta ng gago?
Pagkabukas ko, ang unang sinalubong ng aking mga mata ay ang dalawang pinsan ko na kapwa nakaawang ang bibig habang nakatitig kay Owen na kumakanta sa maliit na stage.
Parang nagkaroon ng maliit na disco party sa loob ng function room dahil may disco lights din ito.
Lumapit na ako kay Tristan at Troy.
"Anong tinira ni Owen? Kailan pa naging espanyol ang dila niya?" kunot noo na rin akong pinapanuod si Owen.
"Simula nang natutong kumanta ng Despacito ang gago, espanyol na ang mga kinakanta ng gago." Naiiling na sabi ni Troy.
May hawak na micropone si Owen sa isa niyang kamay at bote naman ng alak sa kabila. Inom, kanta, inom, kanta. Ito ang ginagawa ng gago.
Vente cuento de una vez
Tu descanso está en la cama de mis pies
Vente cuento un dos tres
Mis pasitos son descalzos sin estrésLalong umawang ang bibig naming tatlo, wala kaming maintindihan. Siguro si Tristan naiintindihan? Nang sulyapan koi to ay mangha din siya kay Owen.
Pagkagat kagat labi pa ang gago at flying kiss sa mga kababaihan, habang kaming tatlo dito ay nagpapaulan na ng mura sa kanya.
Dime si hay
Otro lugar para dejar
Mi corazón (mi corazón)
Hay tienes razón
¿Mejor, por qué no?
Nos vamos los dosAlam kong lasing na si Owen sa stage dahil hinubad na niya ang coat niya at hinagis niya sa kumpulan ng mga babaeng pinagkaguluhan ito. Nasaan ang triplets? Saan dinala ng gago?
Nagpatuloy sa pagkanta ang gagong lasing habang hindi na matanggal ang pagkakatulala ng dalawa kong pinsan.
Si tú quieres nos bañamos, si tú quieres nos soplamos, pa' secarnos lo mojado
Si tu boca quiere beso y tu cuerpo quiere de eso, arreglamos
Si tú quieres un atajo y lo quieres por abajo, yo te llevo bien callado
Vente pa'ca, vente pa'ca, vente pa'ca"Where's the triplets?!" sigaw ko kay Troy at Tristan dahil sa lakas ng music.
"There," walang buhay na itinuro ni Troy ang stage.Nasa likuran pala ng gago ang triplets na puro may tangay nang tsupon pero sumusunod ang ulo sa beat ng kinakanta ng kanilang ninong na lasing. Gago ba siya? Baka mabingi ang triplets! Dapat tulog na ang mga bata sa ganitong oras!
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.