Failed vacation. lol
Chapter 62
Ninong Tristan Matteo Ferell
Hindi pa ako kumakain nang sunduin ko ang triplets, kaya kumakalam ang sikmura ko habang nagdadrive ako. Luckily, it's damn traffic.
Gusto ko nang makauwi at madala na sa bahay ang triplets pero mukhang napakarami pa naming pagdadaanan mag ninong.
Nagsisimula nang umiyak ang triplets sa likuran at hindi ko na alam ang gagawin ko. They could be hungry too? Pinakain ba ni Aldus ang mga batang ito? O pinahalik lang niya nang pinahalik sa mga kalaro nila?
"Anong gusto ng mga bubuyog ni Ninong? Are you hungry? Do you want milk my little bees?" tanong ko sa kanilang tatlo. Lalong lumakas ang pag iyak nila na nagpapikit sa akin.
"What do you want babies?" naalarma na ako sa kanilang tatlo. Kung pwede ko lamang iwanan ang manibela at laruin silang tatlo ay nagawa ko na.
I can always bear the sound of guns and bombs, but the cries of my triplets? Never.
"Alright, ipaparada muna ito ni Ninong. We'll drink milk." Naghanap ako nang pwedeng tigilan namin at ang parking space na pinakamalapit ay sa jolibee. Ang kapwa nila bubuyog.
Mabilis akong lumabas ng sasakyan para buksan ang likurang pintuan, nag iiyakan pa rin si Rance at Vino. Samanatalang si Tovar ay tinuturo si Jollibee.
"Do you want to go there? Dadalhin kayo ni Ninong sa Jollibee. Please stop crying, si Ninong din nagugutom na." Isinakbit ko muna ang malaking bag na laman ang gamit nila.
Isa isa ko silang binuhat triplets, napabuntong hininga na lamang ako nang tumigil ang pag iyak nila.
"Gusto nyo lang magpabuhat kay Ninong Tristan," itinuturo na nila ang estatwa ni Jolibee.
"That is a big red bee, while you are Ninong Tristan's small yellow bees." Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo ng triplets habang humahakbang kami papasok sa jollibee.
Kakapasok ko pa lang sa pinto ay agad kong tinawag ang crew.
"Please prepare three baby chairs." Tumango agad ito sa akin.
Pansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao habang buhat ko ang triplets, karamihan sa kanila ay puro nakangisi habang habol ang tingin sa amin mag nininong.
"What do you want boys? Do you want fries?" lumapit sa akin ang crew at sinabi nitong may pinaglagyan na siyang mesa.
"Thank you,"
Ayokong iwan ang triplets sa lamesa kaya pumila ako sa counter habang buhat ang tatlo. Ramdam ko na humihikbi na naman silang tatlo.
"Malapit na tayo, I'll buy you fries." Pinapakalma ko silang tatlo. Ilang beses kong iginalaw ang mga braso ko para patigilin ang malapit na muli nilang pag iyak ng sabay sabay.
Ano ba ang ginawa ni Aldus sa mga ito? Bakit ako ang pinag abutan ng sumpong?
Habang nakapila ako, naririnig ko ang bulungan ng mga nakakatapat ko sa pila.
"Nasaan ba ang ina ng mga bata? Hindi kaya ng amang alagaan ang tatlong bata."
"Ang cucute, mana sila sa Daddy nila." Ngumisi ako sa narinig ko.
"Sir? Sir, what's your order?" nawala ako sa pakikinig sa usapan ng dalawang babae nang marinig ko ang boses ng crew.
Pwede ba ang ice cream sa triplets?
I ordered my own foods, fries for the triplets and ice cream. Bahala na.
"Pa assist, thanks," tipid na sabi ko. Hinanap ko na ang lamesang may baby chairs. Pinaupo ko na dito ang triplets at nang sandaling mailapag nan g crew ang pagkain ay sabay sabay na naman silang umiyak tatlo.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.