Chapter 22

379K 11.2K 2.1K
                                    


Chapter 22


Buong akala ko ay magagawa namin ng mga Ferell na makapagtagal sa Don Bosco lalo na at hindi ako binigo ng lugar na ito sa magagandang tanawin na siyang talagang wiwili sa akin.

Pero napag alaman naming may mga college students pala dito na kasalukuyang isinasagawa ang kanilang retreat. At ang maganda pa nito, mga estudyante sila mula sa Gyro Nella. Kahit ilang taon nang graduate ang mga Ferell dito, may ilan pa rin nakakakilala sa kanila kaya malaki ang posibilidad na hindi maintindihan ng mga estudyante ang kanilang mga activities kapag nanatili kami dito. Sa halip na makapagparticipate ng maayos ang mga ito ay maaabala sila ng mga Ferell na magpapahara hara lamang sa paligid.

Katulad na lamang ng insidente kanina, bawal pala sa kanila na magdala ng kahit anong gadgets, pero nang makilala ng ilang college student na babae si Owen, Troy, Aldus at Nero ay naglabasan ang kanilang mga camera para lamang makapagpapicture sa mga ito. Napapangiwi na lamang ako, hindi naman mga artista ang mga Ferell na ito bakit kailangan pang magpapicture?


Pero kung iisipin, talagang sikat na ang mga Ferell sa loob at labas ng bansa sa kani kanilang ipinagmamalaking larangan. Kung dati ay kilala sila sa kanilang mga kalokohan ngayon naman ay kilalang kilala na sila sa kanilang mga pinagtagumpayan. And I am so proud of them.

Sinong mag aakalang ang mga shokoy na nagpapalutang lamang ng hotdog sa mantika, nasa section V at hindi B, ginagawang basketball court ang kusina at naglalagay ng bear brand sa sopas ay may kani kanila nang pangalan ngayon na tinitingala at hinahangaan na nang napakaraming tao? Tulad nga ng sabi ni Troy, never underestimate Ferells.

Atleast ngayon, hindi na lang kagwapuhan ang pinuproblema nila. They are now facing the real problems of life.


Pero isa lang ang masasabi ko sa kanilang magpipinsan kahit anuman ang tagumpay na makuha at makukuha pa nila.


Shokoy sila noon.


Shokoy pa din sila hanggang ngayon. Hindi na ito magbabago kahit matuyo pa ang lahat ng dagat sa mundo.

Muli akong napangiwi sa mga iniisip ko, pinasok na naman ang utak ko ng 'shokoy thoughts' hindi na ito maganda. Ano ba naman ang magagawa ko? Kumpleto na naman sila ngayon, malamang mapapasok at mapapasok ng 'shokoy' thoughts ang utak ko.


Humiwalay muna sa amin si Tristan nang mapansin niyang maraming nakakakilala sa kanyang mga pinsan. Hanggang ngayon ay tanging si LG, ako, ang mga pinsan niya, si Lina ang nakakaalam na buhay siya. Sinubukan kong sabihin sa kanya na ipaalam na rin niya ito sa pamilya niya dahil karapatan nila ito pero sinagot niya lamang ako ng pag iling. Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan sa akin ang buong pagkatao niya.


Kasalukuyan na akong nakasakay sa sasakyan namin habang hinihintay na namin ni Nero ang mga pinsan niya na nangungumpisal daw. Isang oras na yata silang apat doon.


"Mamaya pa ang mga 'yon Florence, noong grade 6 pa sila huling nangumpisal. Baka atakihin sa puso ang pari sa dami ng kasalanan nilang apat" napairap na lang ako sa sinabi ni Nero.


"Ibig sabihin bago tayo ikinasal grade 6 din ang huli mong kumpisal?" nakangusong tumango sa akin si Nero.


"Kaya naman pala sobrang tagal nyo ng pari.." naiiling na sabi ko.

Napansin ko na nakatanaw na sa labas si Nero, tapos na pa lang mangumpisal si Owen at may kausap na siyang dalawang college student na halatang halata ang pagkakilig habang kinakausap siya.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon