Chapter 8
Hindi ko hinayaang ang mga apo ko lang ang umuwing makinis ang ulo, maging ako ay nagpakalbo na rin.
Nakasuot na sila ng seatbelt at handa na akong patakbuhin ang sasakyan. Tiningnan ko sila sa rearview mirror, ang makikinis nilang ulo ang una kong nakita. Alam kong magagandang lalaki lang ang may lakas ng loob magpakalbo at kaming mga Ferell lang 'yon.
Sigurado akong pasasalamatan ako ng mga apo kong ito sa kanilang paglaki kapag nalaman nilang pinakalbo ko sila minsan. Bihira lamang ang magandang lalaking kalbo, masyado na silang pinalad kapag nakita nilang magkakasama ang lima kong mga apong kalbo.
Hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin sila sa kinis at kintab ng kanilang mga ulo dahil panay pa rin ang paghaplos ng mga apo ko dito. Magkatabi si Nero at Owen, abala si Nero sa paglalaro sa ulo ni Owen habang ganito rin si ginagawa ni Owen kay Nero. Si Tristan at Aldus naman ang magkahawakan sa kanilang mga ulo habang si Troy ay mag isang hawak ng dalawa niyang kamay ang sarili niyang ulo.
"It's smooth Nero.." natutuwang sabi ni Owen sa ulo ni Nero.
"Lolo are we forever kalbo?" tanong sa akin ni Troy habang hawak pa din ng dalawang kamay niya ang makintab niyang ulo.
"Ngayong summer lang Troy after two months tutubo rin 'yan" mas mabuti nang kalbo kami. Mainit naman ang panahon.
"Lolo, can we show this to mommy?" tanong naman sa akin ni Tristan. Siguro ay pagsusuotin ko na lang ng bonet ang mga batang ito kapag nakipag skype kami sa kani kanilang magulang. Madali kong mauuto ang natitirang apat pero si Tristan talaga ang problema ko, patutulugin ko na lang siguro.
"Ofcourse! Matutuwa ang mga mommy nyo kapag nakitang makintab ang ulo niyo.." palakpalakan silang lima sa sinabi ko. Patay ako nito.
Nang makarating na kami sa mansion ay halos mapamura na lang ako nang mapansin kong umuulan. Akala ko ba ay summer na? Napapailing na lang ako, wala akong dalang payong. Mababasa ang ulo ng mga apo ko.
"Dito muna kayo, kukuha lang ng payong si lolo"
"Aye aye captain!" sagot nilang lima. Tumakbo na ako habang tinatakpan ang makintab kong ulo, masama yata itong mabasa kapag babagong kalbo. Kinuha ko ang kani kanilang payong at nagmadali akong bumalik sa van.
"Here.." pinamigay ko na sa kanila ang kanya kanyang payong.
"Wag nyong babasain ang mga ulo nyo. Baka malamigan 'yan, magkaproblema pa tayo sa hinaharap.." sunod sunod silang bumaba sa van habang nakapayong.
"Nero, ayusin mo ang payong mo. Baka mabasa ang ulo mo" sita ko sa kanya. Agad akong tumakbo kay Tristan nang madulas ito at mabitawan ang kanyang payong. Patay basa na ang ulo.
Bubuhatin ko na sana si Tristan nang humampas ang malakas na hangin at nabitawan ng mga apo ko ang kanilang mga payong. Basa na ang mga kalbo kong apo.
"Takbo! Cover your heads!" sigaw ko. Nagtakbuhan na lang kaming maglololo habang nababasa ng ulan. Tuwang tuwa pa si Tristan na buhat ko habang hinahaplos haplos ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.