Chapter 39
The only thing worse is having an eyesight, but unable to see her beautiful image anymore.
Ito ang mga salitang paulit ulit na umiikot sa aking sistema simula nang sabihin ito sa akin ni Tristan. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, gusto ko siyang aluin at sabihing nandito lang ako at ang mga pinsan.
Mukhang sa pagkakataong ito parang gusto ko nang sumang ayon sa sinabi ng lalaking kasamahan niya, kahit ako ay hindi na makayang makitang araw araw ay ganito ang sitwasyon ni Tristan.
Nasa bahay ako ngayon at sinabi ni Nero na magpahinga muna ako, kasama ko ngayon ang kapatid ko. Tulad ko ay alam niya rin ang sitwasyon ng magpipinsan. Gusto niya rin dumalaw pero hindi na pumayag ang ahensya ni Tristan na magdala pa ng mga sibilyan sa kanilang hospital.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko rin tumulong sa kanila. Si Aldus, ramdam ko ang lumbay niya, pakinig ko ang nanghihinang boses niya kapag naririnig kausap niya sa telepono ang isa sa mga pinsan niya Florence. Ramdam na ramdam ko ang bigat nang nararamdaman nilang magpipinsan." Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko.
Kahit si Nero ay laging balisa sa tuwing biglang tutunog ang telepono niya. Laging pangalan ni Tristan ang una niyang binabanggit sa tuwing sasagutin niya ito, kahit kapag natutulog siya pangalan ng pinsan niya ang tinatawag niya.
"Because they are sharing Tristan's pain, kita nila kung paano mahirapan si Tristan. At alam natin dalawa na dadalhin din ito ng apat na Ferell, pinalaki silang ganito ni LG. Hindi nila kayang iwan ang isa't isa lalo sa ganitong sitwasyon." Mahinang sabi ko.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa ni Sapphire, nagawa niya akong yakapin habang iniisip namin ang magpipinsan.
"Alam mo ba na nagkwento sa akin si Nero, nang mga panahong iniwan ko siya. Hinding hindi rin daw siya iniwan ng mga pinsan niya." Ipinatong ni Sapphire ang baba niya sa balikat ko.
"Ang hirap din sa atin Florence, alam mo 'yong nasanay tayo na lagi silang nakangiti, tumatawa, masaya, punong puno ng kalokohan. Pero kapag nakikita natin silang ganito, nakakapanghina Florence. Nakakapanghina.." tumango ako sa sinabi ng kapatid ko.
Lalo na siguro kapag nakita niya kung papaano umiyak sa harap namin si Tristan. Halos hindi ako makagalaw habang pinagmamasdan ko siya nang mga oras na 'yon. Gusto ko na lamang tumakbo at lumabas sa kwarto.
"Si Troy at Owen ang bantay ngayon, hindi ba?" tanong ko kay Sapphire. Tumango ako sa kanya.
Si Nero ay lumipad sa ibang bansa para sunduin si LG, nagpag usapan ng mga Ferell na mabuting huwag munang sabihin sa matanda ang sitwasyon ni Tristan. Pero alam nilang kilalang kilala sila nito kaya siguradong mag iisip ang matanda habang nasa biyahe na siyang iniiwasang nilang apat. Kaya nag presinta si Nero na siya na mismo ang susundo kay LG.
Siya mismo ang nakiusap sa kapatid ko na samahan muna ako sa bahay habang ilang araw siyang wala.
Habang tahimik kaming dalawa ng kapatid ko bigla na lamang bumalik ang sa mga alaala ko ang huling araw na magkasama kami ng isa sa matalik kong kaibigan.
Yes, we had a painful past together. But that won't change the fact that she's still my bestfriend. Nagkamali siya noon at tinanggap ko ito, lahat naman ng tao nagkakamali at maging ako ay may sarili din pagkakamali.
Mga ilang linggo pa lang kami ni Nero sa bago naming bahay nang biglang dumalaw nang hindi inaasahan si Lina.
"Saan naman kayo pupunta? You're leaving me alone? Mag isa lang ako dito Florence, iiwan mo ko." Madramang sabi ni Nero habang yakap ako mula sa aking likuran.

BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.