Chapter 11

461K 11.3K 4.1K
                                    

After few years ( Ferell's teenage memories ) 


Chapter 11


Troy Alvis Ferell


Isang linggong out of town si LG dahil abala siya sa paghahanap ng lugar na pagbabakasyunan namin sa nalalapit na bakasyon. Nagrereklamo na rin kasi ang mga pinsan ko na sawang sawa na daw sila sa ibang bansa at gugustuhin na lang na dito manatili sa Piliipinas. Masasabi kong tama naman ang ginagawang ito ni LG para mabawas bawasan naman ang pera namin. Hirap na hirap na kaming magbilang ng pera.


Napabuntong hininga na lamang ako, ganito na lang lagi ang problema ko sa buhay, kung papaano ko tutulungan magbawas ng pera si lolo, kung paano ko hindi masyadong ipapahalata ang pagiging magandang lalaki ko at kung ako magiging isang mabuting halimbawa sa mga pinsan ko na napapariwara na ang landas.


Napakaswerte ko talaga sa buhay. Magandang lalaki na, mayaman pa. Napapailing na lang ako habang nakikita ang sarili ko sa repleksyon ng bintana ng classroom namin, saan kaya ako ipinaglihi ng aking mga magulang? Sa talambuhay ko ay wala na akong nakitang lalaking maaaring pumantay sa aking kagwapuhan, minsan ay naaawa na ako sa mga pinsan ko. Alam kong naiingit na sila sa akin, kung pwede ko lamang silang hatian at salinan nang kagwapuhan ko ay nagawa ko na noon pa. Pero ano pa nga ba ang mapagpipilian ako, talagang sila ay pinagkaitan at ako ay ipinagpala. Bukod din pala sa pagiging magandang lalaki ko at mayaman, isa din akong binatang may ginintuang puso. Nasa akin na ang lahat.

Hindi na ako magtataka kung dadating ang panahon na dadanak ang dugo ng mga kababaihan para lamang maangkin ang aking katawan. Siguro ay sasabihin kong pansinin din nila ang mga pinsan ko kahit papaano, ayokong nalalamangan ko sila.


Ilang beses kong naitanong sa sarili ko kung bakit nasa akin na ang lahat? kayaman, kagwapuhan, mga unggoy na pinsan at magpagmahal na lolo na madaling mabola. Matalino din naman ako pero ibinigay ko na ito kay Tristan, nagkukunwari na lang akong hindi masyadong matalino. Ako din ang pinakamakinis sa aming magpipinsan, habulin ng babae, paborito ng teacher at syempre paborito ni LG. Hindi ko naman ito masyadong iniisip, minsan lang naman. At lalong hindi ako mayabang dahil ang mga taong punong puno ng hangin sa katawan ay binabato na nang kanyang kapwa.

Ano kayang oras na? Nakakatamad na ang klaseng ito, gusto ko nang umuwi.


"Kulbitin mo, nakatingin na sa kanya si Miss" pakinig ko ang pabulong na boses ni Nero.


"Bahala siya, madamay pa ako" pakinig ko namang sabi ni Tristan. Ano ba ang pinag uusapan ng dalawang gago?

Lilingunin ko na sana sila nang may maramdaman akong tumama sa aking noo. What the hell?


"Fvck! What the--" napahawak na lang ako sa noo ko.


"Troy! Hanggang kailan ka matutulala diyan sa bintana?! Makinig ka! Gusto mo na naman ba sa guidane office?" malakas na sigaw sa akin ng MAPEH teacher ko. Binato ba naman ako ng chalk!? Hindi nga ako pinapalo ni LG tapos babatuhin lang ako? My god!

Kauna unahang tumawa ang mga gago kong pinsan, agad kong ibinaba ang dalawa kong kamay sa ilalim ng lamesa para bigyan sila ng dalawang dirty finger. Nginisian lang ako ng mga gago.


"Sorry po miss.." labas sa ilong na sabi ko. Maganda na sana ang MAPEH teacher na ito, maganda ang legs, malaki ang dib--. Hindi ko na natuloy ang iniisip ko nang muli akong tamaan ng chalk sa mukha. Fvck! Siguro ay crush ako ng teacher na ito.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon