Chapter 4
Ngayon na ang araw ng pag alis ng mga apo ko. Hindi ko na napansin ang lumilipas na mga araw, parang noong isang araw ay kadadating lang nila. Ito ngayon at mapapahiwalay na naman ako sa aking mga nakakatuwang mga apo. Ilang araw, linggo at buwan ko na naman silang hindi makikita.
"Sige na, sumama na kayo sa mga mommy at daddy nyo. Baka mahuli pa kayo sa flight" kapwa napapailing ang aking mga anak sa hitsura naming maglololo.
Kasalukuyang mahigpit na nakayapos sa aking binti ang lima kong apo na ayaw humiwalay sa akin.
"No, I won't go back" hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong sinabi ni Troy na talagang mas lalong humigpit ang pagyakap sa aking binti.
"Dito na din ako. I want lolo" kung gaano kahigpit ang kapit sa akin ni Troy ay ganito din ang kay Owen. Maging si Nero, Tristan at Aldus na kapwa mga pawisan na ay hindi magpahila sa kanilang mga magulang.
"Ano ba ang nangyayari sa mga batang 'yan papa? They're very fond of you. Ano ba ang ginawa nyo noong isang araw? Mukhang ipinagpalit na nila kami sa'yo" natatawang sabi ng anak kong si Gwen na siyang ina ni Troy.
"Come on baby, let's go. Naghihintay na si Daddy sa labas" lalong ibinaon ni Troy ang kanyang mukha sa aking binti.
"I don't want to leave lolo alone" napansin ko na kapwa nagtanguhan ang kanyang mga pinsan sa sinabi nito.
"Sige na mga anak, kuhanin nyo na ang mga batang ito. Mahuhuli pa kayo sa inyong mga biyahe" pilit ko nang pinagkakalas ang pagkakayakap sa akin ng aking mga apo. At dito na sila nagsimulang mag iyakan.
Halos mapanganga na lang ako, maging ang kanilang mga magulang.
"I can't count. There are more days..I can't see lolo anymore" pilit binilang ni Aldus ang kanyang sampung mga daliri na parang mabibilang niya ang isang taon.
"Lolo will be alone.." umiiyak na sabi ni Tristan habang buhat na ng kanyang ina.
"Nahahabag naman ako sa aking mga apo, tumutulo ang mga luha. Awang awa na si lolo sa inyo" kahit ang mga magulang nila ay natatawa na sa nangyayaring iyakang ito.
"Magpakabait kayo. Hihintayin kayo ulit ni lolo, mag aral kayo ng mabuti" isa isa kong pinahid ang luha ng aking mga apo. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga batang ito kapag ikinuwento ko na ito sa kanila kapag malalaki na sila?
"Mukhang mapapadalas na ang pag uwi namin dito Papa, masyadong nawili sa'yo ang mga batang ito" hinalikan ni Trinity ang kanyang anak na kasalukuyang nagpapahid ng kanyang luha.
"Aww, mamimiss mo ba si lolo Tristan?" pinisil pa nito ang ilong ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.