Chapter 44
Umiiyak ako habang padabog akong naglalagay ng gamit sa aking maleta, si Nero naman ay walang tigil sa pagtatanggal nito. Sa pagkairita ko sa ginagawa niya ay sa kanya ko ibinato ang mga damit ko.
"Huwag mo akong pigilan! Hayaan mo na ako! Kung hindi ako buntis Nero, baka napagsasampal na kita! Lumayo ka sa akin, lumayo ka! Pinapakalma ko ang sarili ko! Hindi na ito para sa akin, para na ito sa kambal na nasa tiyan ko. Kung ayaw mo akong intindihin lalayo muna ako! Mahirap pakisamahan ang taong hindi ka kayang pagkatiwalaan." Pinagpatuloy ko ang pag iimpake, iritado kong pinunasan ang mga luha ko dahil wala itong tigil sa pagpatak.
Nakakagalit nang sobra si Nero, kung magsalita siya parang ang sama sama ko. Ang sama namin ni Sapphire, kung makapagsalita siya parang ang tingin niya sa akin wala akong pakialam sa mga bagong kapatid ko. I love Klauss, I love Serenity.
Damn! Nagpunta ako sa mansion dahil gusto kong makita ang mga kapatid ko. But everything turned out like this. Shit.
"Baby naman, pag usapan natin ito. Alright, sa'yo na ako naniniwala. Masama na si Tita Amira, tama ang ginawa nyo ng kapatid mo. Hinding hindi na kita pagsasabihan. Ako na ang mali, ganito naman tayo lagi. Hindi ba? Ako na, ako na ang mali. Tama ang lahat nang ginawa mo." Mas lalo akong naluha sa sinabi niya.
Parang sinabi niya na naniniwala siya sa akin, kahit hindi. Sinasabi niya na nasa panig niya ako pero ang totoong pinaniniwalaan niya ako pa rin ang masama, ako pa rin ang nagkamali.
Ano ba itong ipinararamdam sa akin ni Nero? Oo, inaamin ko maldita ko noon pa man, lalo na ngayong kasama ko ang kapatid ko. Pero kahit kailan alam namin kung saan ito dapat ilugar!
Anong gustong palabasin ni Nero? Na sa lahat ng pagkakataon ay ako ang mali? At patuloy niya lang akong pinagbibigyan? Na hindi na ako naging tama sa lahat at para wala na lang gulo ay umuoo na lang sa akin kahit ang buong paniniwala niya ay ako talaga ang mali?
"Why are you always this sarcastic Nero?! Bakit ayaw mong maniwala sa akin?!"
"Naniniwala na ako sa'yo Florence! Please baby, tama na ang pagtatalo natin. Nakakasama na ito sa kambal, kanina ka pang umiiyak. Naniniwala na ako sa'yo, hindi na ako magsasalita." Hindi ko makita kay Nero na totoong naniniwala siya sa akin. Sinasabi niya lang ito para matapos na.
Hindi ako papayag nang ganito, gusto kong maniwala siya sa akin. Hindi lang sa salita kundi sa mismong isipan niya. Gusto kong ipaglaban kung ano talaga ang tama, hindi ako ang masama dito. Hindi ako ang walang pakialam sa relasyon naming magkakapatid, hindi ako mababaw na tao na basta na lamang magtataas ng boses sa isang tao na walang dahilan.
At lalong hindi dala ng pagbubuntis ko ang nag uumapaw kong galit sa hayop na Amira na 'yon. Pati asawa ko nabilog ng mga pag arte at pag luha niya. Napakagaling niyang artista! Napaka galing!
"No, magtatalo lang tayo nang magtatalo Nero. Saka na tayo magsama kapag alam mo na ang mga sinasabi mo, kapag kaya mo nang paniwalaan ang sarili mong asawa." Pinagpatuloy ko ang pag iimpake.
"Fvck this! Florence, ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na naniniwala na ako sa'yo! Walang aalis, walang uuwi sa mansion. Dito ka lang, dito ka lang sa bahay." Matigas na sabi niya sa akin.
"Pipigilan mo ako? What will you do? Itatali mo ako? Sasaktan mo ako?!" sigaw ko sa kanya. Kung ano na ang lumalabas sa bibig ko dahil sa emosyon ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Florence? Look at you, ganyang ganyan ka kagabi sa step mother mo. You're being exaggerated! Bakit kita itatali? Bakit kita sasaktan?! God! Florence naman, itigil na natin ito. Alam mong ayaw kong nag aaway tayo. Baby, tama na. Walang aalis, dito ka lang." Gusto ko nang sumigaw nang napakalakas, gusto ko nang magsisigaw sa pinagsasabi ni Nero.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.