Chapter 36
Tulad nang nangyari noong nakaraang araw mas naunang nagising sa akin si Nero. Ginawa na niya ang lahat ng gusto ko, simula sa pagpapatuka sa aming mga kalapati, panliligo ng sabon panlaba, pagpapatugtog ng despacito at pag display ng saranggola ni Tristan.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ginawa niya. Nero is the best. Talagang pinaninindigan niya na ibibigay niya sa akin ang lahat habang nagbubuntis ko.
I am so lucky to have Nero Sebastian Ferell as my loving husband, the father of my twins.
Kasalukuyan siyang humihigop ng kape habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest, tumigil siya sa paghigop ng kape nang mapansin niyang gising na ako at nakatitig sa kanya.
Damn, he's too handsome.
"Good morning mahal kong buntis." Ibinaba niya ang tasa ng kape sa side table at bahagya niyang hinawi ang buhok ko. Bahagya akong napapikit nang halikan niya ang aking noo.
"Good morning Nero.." mahinang sagot ko sa kanya. Magtatatlong buwan na akong buntis at habang tumatagal ay mas nabibigatan na ako sa aking sarili.
"How's your sleep?"
"You're so kind Nero, hindi mo naman ako iiwan. Hindi ba?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Bakit naman kita iiwanan? Get up, may inihanda ako sa'yo. Kung ano na naman ang sinasabi ng mabait na buntis." Tinulungan akong bumangon ni Nero at ilang beses niya ako ulit hinalikan.
"Pumapanget na ba ako Nero?" biglang tanong ko sa kanya.
"No way, sa lahat ng buntis na nakita ko. Ikaw ang pinakamaganda Florence, napakaganda." Ngumiti ako sa sinabi niya.
Tulad ng lagi naming ginagawa, kahit naligo na si Nero ay sumasabay ulit siyang maligo sa akin sa takot niya na baka madulas ako.
Sanay na rin kami na tumatagal ng mahigit isang oras sa panliligo dahil hindi mawawala ang tradisyunal na pagsisid.
Pababa na kami sa hagdanan nang marinig ko ang pamilyar na boses ng kapatid ko. Ilang linggo na rin simula nang hindi sila napadalaw dito, bakit parang hindi sinabi sa akin ni Sapphire na mapapadaan sila ngayon?
"Why are they here?" tanong ko kay Nero.
Ngumisi lang sa akin si Nero, na lalong nagpakunot sa aking noo.
"Gising na ang buntis." Masiglang sabi ni Nero.
Agad naagaw ang atensyon ni Sapphire at Aldus na mukhang abala sa paglalandian sa sofa. Unang sumungaw ang ulo ni Aldus at sumunod din si Sapphire na lumapad ang ngiti nang makita ako.
"Oh, good morning sister." Tumayo na mula sa sofa si Sapphire at mabilis lumapit sa akin, hinalikan niya ako sa aking pisngi.
Sumunod sa kanya si Aldus at napakalapad ang ngisi. Mas pinaganda pa nito ang ngiti sa akin nang magsalubong ang aming mga mata. He's weird.
"Hi Warden, kamusta ang mga inaanak ko?"
"See? I brought Aldus here, I'm a responsible daddy. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin kung sino ang sunod mong paglilihian." Yumakap mula sa aking likuran si Nero at hinawakan niya ang aking tiyan. Ilang beses tumango si Aldus sa sinabi ng pinsan niya.
Mukha lang naman siyang proud sa sinabi ng pinsan niya na paglilihian ko siya.
"Nero?" nagtatakang tawag ko sa kanya.
I don't get it, bakit niya naisip na paglilihian ko si Aldus?
Ilang sandali lang nakatitig sa akin si Aldus at Sapphire na parang hinihintay ang sasabihin ko. Ramdam ko na nakatitig na rin sa akin si Nero.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.