Chapter 37
Buong akala ko ay magtutuloy tuloy na ang masasayang pangyayari sa aking buhay. Wala na akong hihilingin pa, masaya na kami ni Nero, wala nang mabigat na problema at maliit na pagtatalo na lamang sa araw araw ang nangyayari sa amin na siyang hindi maiiwasan, pero madalas pa rin ang lambingan.
I am already happy and satisfied. Nabuntis, muntik mawalan ng mana si Nero, nagpakasal at naglihi.
Paghihintay na lamang sa kambal ang inaabangan naming lahat. Ang paglabas sa mundo ng mga anghel na siyang bunga ng pagmamahalan namin ni Nero. I thought everything was all fine.
Pero mukhang nagkakamali ako ng inakala. Mabilis lumipas ang oras at apat na buwan na ang lumipas.
I am already six months pregnant, I thought everything will be laughers and joy, but I was wrong. Tears are always there, living with us, it is a loyal pain.
Kahit kailan ay hindi nito nilisan ang mga tao.
Ano nga ba ang aasahan ko? We can't live without pain, we can't live without tears, that's part of human life. Mahirap man tanggapin.
Kinakabahan na ako sa mga oras na ito habang pinagmamasdan ang lalaking pinakamamahal ko na balisa na sa kanyang pagmamaneho. If I could I just switch place with him, it's not good for him to drive.
Nero is a family oriented man, kapag may problema sa pamilya niya agad kong mapapansin ang epekto nito sa kanya. Hindi na ako bago dito dahil ganito na siya simula ng aking makilala. And I admired him for that.
Hind man lumaki si Nero sa tabi ng kanyang magulang, hindi pa rin nagkulang si LG sa pangangaral sa kanila. Sa katunayan nag uumapaw pa ito sa kanilang magpipinsan.
Dahil lumaki silang limang magkakasama, ang sakit ng isa ay dama ng apat. Sa ilang buwan kong paninirahan sa ilalim ng iisang bubong kasama silang lima, ilang beses na nilang napatunayan sa akin ang tatag ng kanilang samahan. At mas lalo pa nila itong napatunayan sa dami ng mga naranasan namin ni Nero na kasama at katulong ang mga pinsan niya bago kami humantong sa dambana ng simbahan.
His cousins are always there since the very beginning, it was their incomparable cousin bond. Ferell's bond with no ending. I love them for that.
Kasalukuyan kaming nasa biyahe ni Nero papunta sa isang hindi pamilyar na hospital. Kita ko ang pangangatal ng mga kamay niya sa manibela habang nagmamaneho, hinawakan ko ang kanyang braso para pakalmahin siya.
Minsan ko na itong nasaksihan noon at ilang beses kong pinagdasal na sana ay hindi na muling mangyari. But, what is this again? Bakit kailangang maranasan na naman namin ang sitwasyong ito?
And for all the people, why Tristan Matteo Ferell? Yes, it is the nature of his job but why him again and again?
Ilang beses kong hinaplos ang braso ni Nero.
"Calm down Nero, he will be fine. Alam kong makakayanan ito ni Tristan katulad ng dati." Kahit nagsisikip na rin ang dibdib ko pinilit ko ang sarili kong patatagin ang aking loob. Alam kong mas dobleng sakit ang nararamdaman niya kumpara sa akin.
Hindi ko maiwasang muling maalala ang nakaraan. Halos madurog ang puso ko nang masaksihan ko ang sabay sabay na paglapit ng mga Ferell sa kabaong noon ni Tristan. Alam kong takot na takot na hindi lamang si Nero, maging ang natitira nitong mga pinsan na muling maramdaman ang sakit na nangyari ng nakaraan.
Maging ako, hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko. Hindi makasagot sa akin si Nero. Diretso lamang siyang nakatingin sa daan at tahimik na nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.