Chapter 53

303K 10K 2.6K
                                    

Chapter 53

Ninong Sean Owen Ferell

I am currently busy supervising my area for my new art gallery. May tatlo na akong bukas nito sa Manila at naisip ko na maglagay rin ng kahit maliit sa Leviathan.

Siguro sa susunod na buwan na pwede na itong buksan sa lahat, sa ngayon ay kailangan munang pagandahin ang buong lugar.

My gallery will introduce few of my new paintings, sketches and even my newly discovered pottering skills. Hindi ko akalain na may mas igagaling pa ang mga kamay ko bukod sa--- oh never mind. Basta malikhain ang mga kamay ko.

Ngumisi ako sa sarili kong naiisip, nasaan na kaya ang babaeng 'yon? Mag iisang buwan na kaming hindi nagkikita. Minsan ay pumapasok na sa isip ko na sadya niya na akong iniiwasan. Lagi na lang.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa paligid na magiging art gallery ko, habang abala ang mga tauhan ko sa kani kanilang mga ginagawa. May nagpipintura, nag aayos ng mga bubog na salamin at ilan pa sa mga kagamitan.

Wala na akong pakialam kung may magkakainteres ba na pumunta dito. Who will love arts in Leviathan? They will definitely find this boring. Hindi na ito pag aaksayahan ng panahon ng mga tao. Kahit ako ay tanong ko na rin ito sa sarili ko, bakit ko nga ba natutunan ang lahat ng ito? Bakit ang mga pinsan ko hindi? Iisa naman ang paraan ng pagpapalaki sa amin ni LG.

I am talented while they are talentless, I am gifted while they're not. Magandang lalaki ako may pakinabang, sila? Nakakaawa sila apat, nakakaawa. Naiiling na lang ako sa aking naiisip.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong ngumingisi mag isa habang nakapamaywang akong nakatanaw ako sa dalawang tauhan kong nagpipintura ng pader.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid nang may biglang dumamba mula sa likuran ko at takpan ang mata ko. Agad lumapad ang ngisi sa aking mga labi nang maramdaman ko na sinadya niyang idikit ang dibdib niya sa aking likuran.

"Nakikilala mo ba ako?" malambing na tanong niya sa akin. Alam kong sinadya niya pang hipan ang tenga ko.

"Oh, oh. Nasa dulo na ng dila ko, sino ka nga ba?" narinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.

"You're lying babe. Look, lumalalim na naman ang dimples mo. First indicator that Mr. Sean Owen Ferell is lying." Ako ang natawa sa sinabi niya, hindi ko pa rin tinatanggal ang kamay niya sa mga mata ko.

Muli siyang bumulong sa tenga ko, laging ganito ang ginagawa namin sa isa't isa. We love whispering on each other.

"May premyo ka kapag nakilala mo po ako." Nakagat ko na ang pang ibabang labi ko. I like this.

"Ofcourse! You're my Nia Consuella Mendez, my beautiful photographer." Nagulat ako nang bigla niyang kinagat ang tenga ko at bitawan niya akong tumatawa.

"Dyan ka magaling!" mabilis akong humarap sa kanya habang hawak ang tenga ko.

"Come here Nicola, how are you babe? Ang tagal mong hindi nagparamdam." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay habang humahakbang siya paatras. Gusto na naman yatang makipaghabulan sa akin.

"May mga tauhan ako dito, makikita nila tayo." Nagsimula akong humakbang papalapit sa kanya habang lumalayo siya sa akin.

"Shy of them? Kailan pa nahiya si Owen Ferell?" hindi na ako sumagot sa kanya. Dahil malalaking hakbang ang ginawa ko para maabot lang siya, buong akala niya ay makakatakbo pa siya sa akin nang mabilis kong mahagip ang kanyang bewang. Iniharap ko siya sa akin at siniil siya ng halik.

"Owen!"

"I missed you, bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya. Sasagot na sana siya sa akin nang biglang lumapit ang secretary ko na bahagyang nag aalangan.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon