Chapter 28
Tulad nang inaasahan kumpleto ang lahat ng mga Ferell. Simula sa mga magulang ni Nero na tanging ang Daddy niya lang ang totoong ngumingiti na siyang bahagyang nagpasaya sa akin ngayong gabi.
I was touched when he asked me about my pregnancy and how's Nero as a husband. Atleast, there is someone else true in this family besides LG, Nally and the shokoys.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ko. How I hate this setting though I am already expecting this. Dinner with those people who hated me the most. I can't still blame them for treating me like this. Hindi ko rin masasabi ang maaari kong maging reaksyon kung nasa posisyon nila ako. They have lost Tristan because of me at bilang pamilya natural lang na magalit sila sa taong naging dahilan ng pagkawala ng mahal nila sa buhay.
Saglit kong sinulyapan ang kapatid ko na parang hindi man lang nakakaramdam ng kaba, hantaran lang naman silang naglalandian ni Aldus sa harap ng hapag kainan. Nakalagay ang isang braso ni Aldus sa sandalan ng upuan ni Sapphire habang pabulong bulong ito dito.
But I have trauma in this kind of setting! Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nagkasama kami ng Mommy ni Nero sa isang lamesa, isama pa ang alagad niyang si Cassidy na mukhang may nakapalit na agad. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa babaeng ito na sobrang lagkit kung makatingin kay Nero.
Why am I having this feeling na hindi nauubusan ng alagad ang mommy ni Nero? Does she have a recruitment society? Something like Anti Florence society? Shit, I am overthinking again.
Hindi ko matanggal sa sistema ko ang nangyaring batuhan namin ng mga salita noon. That was so unforgettable! Oh, scratch Nero's shoes caressing my legs back then but-- oh damn!
Awtomatiko akong lumingon sa hari ng mga shokoy. What's with his hands? Kung saan na naman ito nakarating! Manyak is everywhere.
"I am so happy to have you all here. Akala ko ay hindi nyo pagbibigyan ang matandang kagaya ko.." pagbibirong sabi ni LG. Nasa dulong upuan siya nakapwesto. He's the king of the night with a cute party hat on his head.
"Bakit ka naman namin hindi pagbibigyan? LG you don't say that, you're not getting older. Kamukha mo pa rin ako. By the way what's with the hat?" iisa lang ang tono ni Troy sa mga sinabi niya. He's less humor today, halata rin sa buong aura at sa kanyang mga mata ang pagkatamlay.
"Something's wrong Troy?" kahit si LG ay agad itong napansin sa kanyang paboritong apo.
"What? No, nothing.." bahagya siyang sumulyap sa aming lahat.
"Don't look at me like that people. Let's eat, nagugutom na ako.." pilit niyang pinasigla ang boses niya.
"Alright, let's eat then. Magpakabusog kayong lahat.." ngiting sabi ni LG.
Tahimik ang pagkain naming lahat, may paminsan minsan na nagsasalita pero agad din itong napuputol at hindi na nasusundan. Hindi pala talaga maganda ang isang lugar kung walang isang madaldal at mayabang na magsasalita. Troy and Owen are not on the mood tonight.
Nang matapos ang pagkain naming lahat ay nagsimula nang mag usap ang matatandang Ferell, nakikinig lang kami sa kanilang usapan. Mas gugustuhin ko pa na makinig at hindi makisali sa kanila dahil alam ko sa sarili kong walang mangyayaring maganda kapag nagsimula na silang kausapin ako o ang kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.