Chapter 1

676K 16.3K 8.9K
                                    



Chapter 1


Kasalukuyan nang nagsasayaw ang apo kong si Nero at si Florence sa harap ng mga bisita. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha, isa na sa mga pasaway kong apo ang natali ng isang magandang babae.

Hindi ako nagsisising tinulungan ko ang mga Almero para protektahan ang buhay ng magandang batang ito. She's not just beautiful, she has also a very pure heart. At hindi ko akalaing ang apo kong may mainiting ulo na laging masama ang loob sa mundo ay makakapangasawa ng isang mala anghel na babae, our beautiful Florence Celestina Almero Ferell.

Napatigil ako sa panunuod sa bagong kasal na nagsasayaw nang may biglang yumapos sa akin. Ano naman kaya ang kailangan nito sa akin? Ilang beses ko na ba sinabi sa kanya na tanggalin niya ang hikaw niya sa tenga? Bakit napakatigas ng ulo ng apo kong ito?



"LG, don't cry. Hindi pa naman kita iiwan. Hindi pa ako mag aasawa" pinahid ni Troy ang kaninang nangingilid kong luha. Sinong may sabi na kamukha ko siya? Syempre higit na mas gwapo ang lolo.



"Tigilan mo ako Troy, mag asawa ka na. Ako na ang magbabayad ka Laura para pakasalan ka lang, ako na ang magmamakaawa" kitang kita ko ang pag ngiwi ng kawawa kong apo sa sinabi ko.



"Si LG talaga, akala ko ba ay paborito mo ako?" hindi na ako nakasagot sa kanya at ginulo ko na lang ang kanyang buhok gaya nang mga panahong maliliit pa silang lima.



Several years ago


Limang taon na akong nag iisa sa napakalaking mansion ito. Lugar kung saan naiwan ang masayang mga alaala namin ng aking pinakamamahal na asawa.

Buhay, isang bagay na kailanman ay hindi kayang masigurado ng mga tao. Hindi mo aakalaing ang taong nakangiti at tumatawa sa'yo ng mga oras na ito ay maaari ka na lang iwanan kinabukasan. Buhay ang masasabi kong pinakamahirap kalaban sa mundong ibabaw.

Sa pito naming naging mga anak ni Amanda, wala sa mga ito ang piniling manirahan sa Pilipinas. Lahat ng mga ito ay nasa ibang bansa nakatigil kaya bihirang bihira ko na lamang makita ang kanilang buong pamilya, lalong lalo na ang aking mga munting apo na nagsisimula nang magsilakihan. Hindi lang nila alam kung gaano ako kasabik sa tuwing dadating ang araw na ito.



Ngayong araw ang talagang pinakahihintay ko sa loob ng isang taon. Umuuwi ang aking mga anak kasama ang kanilang mga pamilya para dito na sa mansion magpalipas ng pasko at bagong taon kasama ko.

Sa aking pagkakatanda ay ngayon ang kaarawan ng aking si Troy, ang pinakabunso sa aking mga apo.



Hindi ko na siguro mabilang kung ilang beses ko nang tiningnan ang orasan kaya nang makarinig ako ng doorbell hindi ko na hinintay pa ang mga katulong para buksan ito, ako na ang nagmadaling pumunta sa pinto para salubungin ang mga anak ko.



"Papa, Merry Christmas!" agad yumakap ang manugang kong si Trinity. Tumango naman sa akin ang kanyang asawa na buhat si Tristan.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon