Chapter 25

365K 9.4K 886
                                    

Medyo SPG


Chapter 25


Matapos ang supresa sa akin ng mga Ferell, pinili na namin kumain sa pinakamalapit na restaurant. Hindi na rin naman kami makakahanap ng bukas na piyestahan sa mga oras na ito kung paiiralin pa namin ang pagtitipid nilang magpipinsan.

Napapailing na lang ako sa walang katapusang kalokohan nila. Pero inaamin ko na nagulat ako sa ginawa nila, hindi ko inaasahan na gagawin nila ang surpresa sa isang hindi ko inaasahang lugar. Buong akala ko ay bukas pa namin icecelebrate ang birthday ko. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa mga Ferell? Nakilala ko silang punong puno ng surpresa.

Si Nero na ang gumastos ng lahat ng pagkain na inorder namin na siyang malaking pinagpapasalamat ng apat. Lalo na si Troy na akala mo ay parang laging nalulugi ang kompanya sa sobrang pagtitipid sa pera.


"Anong plano nyo? Hindi kayo mamamasyal sa ibang bansa?" tanong sa amin ni Aldus habang hinihiwa ang kanyang steak.


"No, hindi maganda ang sobrang biyahe kay Florence. Saka na siguro kami mamamasyal kapag lumabas na ang baby namin.." tipid akong napangiti sa sinabi ni Nero.


"Bakit kayo mga pinsan? Anong mga plano nyo? Tumatanda na kayo, baka nakakaanim na kami ni Florence hindi pa rin kayo pinapakasalan ng mga girlfriend niyo.." sabay sabay na nasamid ang mga pinsan niya na tahimik lang na kumakain. Sinamaan ko ng tingin si Nero, hindi pa nga ako nakakaanak nakaanim na agad siya.


"Gago ka ba Nero? Magpapakasal na kami ni Laura sa kabilang taon. Hindi kami nagmamadali, magiging sukob ang kasal natin kapag nagpakasal na kami ni Laura ngayong taon. Gago!" lalo akong napangiwi sa sinabi nitong si Troy.


"Sa magkakapatid lang 'yon Troy. Magpinsan lang tayo.." ismid na sagot sa kanya ni Nero.


"Bakit ayaw mo na lang sabihin Troy na ayaw ka talagang pasakalan ni Laura? pare pareho na naman tayong magpipinsan sa hirap at ginhawa. Mabuti pa si Nero, napikot na niya si Wada.." naiiling na sabi ni Owen na mukhang dismayado na naman.

Pakinig ko ang buntong hininga ni Aldus at Tristan mula sa kabilang dulo ng lamesa, hindi ko na alam kung maaawa ba ako o matatawa sa kanilang apat.

Should I talk to their girls? Pero agad ko rin ipinilig ang ideya kong ito. Hindi parepareho ang pag iisip ng tao, posibleng maging maganda ito pagdating sa kapatid ko pero wala akong mapapanghawakan sa magiging reaksyon ni Laura, Nicola o kahit sa kaibigan kong si Lina maaaring lumabas akong mapapel at nagmamagaling sa bagay na ito.

Alam ko na sa kabila ng mabuting samahan naming lima, mayroon pa rin kung anong nakaharang sa pagitan namin. Lahat sila ay naniniwalang ako ang babaeng kauna unahang minahal ng limang Ferell pero kahit kailan ay hindi ako naniwala dito.


"Huwag kayong maniwala kay Nero, twenty five is not that old. At huwag kayong gagaya sa kanya, pinakasalan siya ng babae dahil pinikot niya lamang.." ngising sabi ko sa mga Ferell, hindi na yata maipinta ang mukha ni Nero dahil sa sinabi ko.


"Sa pagkakaalala ko nagkusa ka nang magpapikot sa akin Florence..." kunot noong sabi niya sa akin.

Nagtawanan na lang kami na may kasamang kwentuhan at biruan. Hindi din nagtagal ay nararamdaman ko na ang kamay ni Nero Sebastian Ferell sa hita ko, may masama na naman yatang balak ang magaling na Shokoy.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon