Chapter 74

307K 9.2K 1.9K
                                    

Chapter 74


Nangangatal akong lumingon kay Nero na hindi maintindihan ang naging reaksyon ko.

"Nero.." hindi ko na alam ang sasabihin ko. I can't just blame him like what I used to do. Ginawa niya ang alam niyang tama, he's after his guilt, he's after his mistakes.

Pero wala na talagang magagawa kay Cassidy, mukhang hindi na siya kayang gamutin. Nilamon na si Cassidy nang matinding galit at ito ang pinakamahirap gamutin sa lahat.

"Nero.."

"What happened to you Florence?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Wala akong makuhang lakas para sagutin siya, nakatitig lang ako sa kanya at walang masabi.

Anong gagawin namin? Anong dapat naming gawin? Our babies are too far from us.

"Florence, answer me—" nawala ang atensyon niya sa akin nang muling tumunog ang telepono.

This time Nero answered the phone.

"Who's this? Tristan?!" ilang segundong natahimik si Nero hanggang sa tuluyan nang kumunot ang noo niya. Narinig ko ang pagmumura niya bago niya iritadong ibinato ang telepono ko.

"Shit! We need to go..shit! shit! This was all my fault!"

"Anong gagawin natin Nero? Ang layo ng Laguna dito, kailangan tayo ng mga bata." Naiiyak na sabi ko.

"Nagpatawag na si Tristan sa mga taga pulis Laguna, we need to contact mom and dad." Kita ko rin ang pangangatal ng mga kamay ni Nero. Hindi na kami nag aksaya ng oras.

Lakad takbo kami sa paglabas sa mansion habang pilit niyang tinatawagan sa kanyang telepono si Mama at Papa.

"Fvck! Answer the phone Mama!" sigaw ni Nero.

"Nero, subukan mo ang number ni Papa." Nanghihinang sabi ko.

Ibinaba ni Nero ang kanyang telepono at tinawagan naman niya si Papa. Nang makita ko ang reaksyon ni Nero pagkatapos niyang idial ang telepono ni Papa ay bahagya akong napahinga ng maluwag.

I picked up the phone.

"Pa! Nasaan kayo? Huwag kayong aalis sa bahay, lock the door! Keep the triplets safe." Nakaloud speaker ang kanyang telepono para marinig ko ang kanilang pag uusap.

"What? What are you talking about son? Sa Mama mo ikaw tumawag, siya ang kasama ng triplets." Nasapo ko na lamang ang bibig ko para pigilan ang pag iyak ko. Sila lang? Wala silang kasamang lalaki? Nero can't contact his mother anymore.

"What Pa? Hindi ba at magkakasama kayo sa Laguna?!" mas lalong lumakas ang pagsigaw ni Nero.

"What is happening Nero? Umalis na ako kagabi dahil may aasikasuhin pa ako. Your mother can handle your kids." Hindi na nakasagot sa kanya si Nero dahil nanghihina na nitong naibaba ang kanyang kamay.

"Fvck! Kasalanan ko ito! Florence.." hinawakan ko ang kamay ni Nero.

Hindi ko rin alam kung ano pa ang mangyayari sa akin kung may hindi magandang mangyari sa aming mga anak. Baka mabaliw ako o baka ikamatay ko na.

I've experienced enough since I was a kid, from my mother's death, Tristan's fake death, my kidnapping incident and now, my kids. Minsan naitatanong ko na lamang, bakit lagi na lang ako? May napakabigat ba akong kasalanan para laging makaranas ng ganito?

Baka hindi ko na makayanan at ako na mismo ang mawala sa tamang katinuan. Pero sa pagkakataong ito, kailangan namin maging matatag para sa isa't isa.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon