Chapter 32
Isang buwan na ang nakakalipas mula nang celebration ni LG at wala na ulit nangyayari pang family gathering.
Nagleave pa si Nero ng panibagong isang buwan sa kanyang trabaho para daw maalagaan ako pero kabaliktaran ang nangyayari dahil ako ang nag aalaga sa kanyang araw araw na mood swings. Magdadalawang buwan na akong buntis at mas lumalala ang sinasabi nilang paglilihi daw ni Nero. Minsan ay naaawa na ako sa kanya dahil sa pagiging maselan niya sa pagkain. Madalas din siyang tulog at mainit ang ulo na siyang hindi ko naman sinasalubong.
Hinawi ko na ang kurtina ng kwarto namin habang nakadapa pa rin si Nero sa kama. Agad akong lumapit dito at niyakap ko ang hubad niyang katawan.
"Wake up, wake up. Nakahanda ang almusal ni daddy shokoy." Mabilis siyang gumalaw at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Matulog muna tayo Florence." Hinalikan ko siya sa kanyang labi.
"Tanghali na Nero, sobra ka na sa tulog." Humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin.
"Five minutes." Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Hinayaan ko muna kaming tumagal ng limang minuto hanggang sa maramdaman kong parang humihimbing na naman ang tulog niya.
"Nero" nakatatlong tawag ako sa kanya bago siya pilit nagmulat sa akin.
"Tanghali na, sobra ka na talaga sa tulog." Ngumisi siya sa akin at pinakawalan niya ako. Bumangon na ako at bumaba na ako ng kama.
Tamad na tamad pa siyang naglagay ng unan sa mukha niya na parang kulang pa siya sa tulog.
"Come on Nero, gusto ng baby natin sabay tayong kakain. Get up!" Pilit ko nang hinihila ang kamay niya.
"Look baby, tingnan mo ang daddy mo ayaw pang bumangon. Nagugutom na tayo, hindi niya naiisip na gusto natin siyang kasabay kumain." Bumangon si Nero sa sinabi ko.
Kumakamot ang ulo niyang naupo sa kama at hinagip niya ang bewang ko papalapit sa kanya. Simula nang nagkakaumbok na ang aking tiyan nagsimula na rin siyang kausapin ang baby namin. Sabi ng kapatid ko masyado na daw malaki ang tiyan ko sa para dalawang buwang buntis.
Everybody are expecting twins, kahit ako at si Nero ay ganito din ang inaasahan dahil pareho kaming may lahing kambal.
"Nagugutom na ba ang mommy at baby? Sorry na, pinagod ni mommy si daddy kagabi. Puyat si daddy, puyat." Ngising sabi ni Nero. Ilang beses niyang hinalikan ang tiyan ko bago siya tumayo at halikan ako.
"Good morning dear wife." Hinalikan niya naman ako sa pisngi.
"I'll just take a bath, mind joining me?" Umiling ako kay Nero.
"Tapos na ako maligo." Tumango siya sa akin.
Kumuha na siya ng towel at pumasok na nagsimula na siyang pumasok sa banyo.
"By the way, Nero I did change the shampoo. Hindi ka na naman siguro mahihilo? Hindi masyadong matapang ang amoy ng binili ko kahapon." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at bumalik siya papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Embracing Arms
ChickLitEvery embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book 3 of Arms Trilogy Covers are not mine. Credits to rightful owner.