Chapter 75

421K 11.7K 5K
                                    


Thank you so much angels!


Chapter 75


"LG, do you think doves are really good messengers?" mapait ngumiti sa akin si LG at nagpatuloy kami maglakad sa sementeryo.

Ilang beses ko pang inamoy ang bulaklak habang hinihintay ko ang sagot niya sa akin.

She will like these flowers, they will like these beautiful orchids.

"You asked me that same question years ago, Nero." Bumuntong hininga ako sa sinagot sa akin ni lolo.

"So I'll get the same answer LG? I need a better explanation."

"Ikaw lang ang makakasagot nito Nero."

"I never liked doves LG," matabang na sagot ko.

Narinig kong humalakhak ang matanda sa sinabi ko. Who would like doves? Si Troy lang naman ang nahilig dito.

"Are you sure apo?"

"Because doves are liars," mahinang sagot ko.

"But everybody lies Nero, even birds."

Muli akong lumingon kay LG, ibinuka ko ang bibig ko para may sabihin sa kanya pero pinili ko na lamang hindi magsalita.

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad.

"LG, can I ask another question?"

"What is that my dear nieto?"

"I've been curious for the long time, what's with the nature LG? Simula nang pagkabata namin ipinamulat mo na sa amin na mahalin ang kalikasan. Yes, for me it's a bit weird. But I know, you always have the deeper meaning. What's with the sea, island, forest and even birds. We're too attached LG, na hindi na rin namin kayang tanggaling lima sa sistema namin ang mga ipinamulat mo. I just want to know the reasons." Buong akala ko ay makakarinig ako ng sagot sa matanda pero bahagya lamang akong nginitian nito.

"I explained that years ago, akala ko ba ay ako ang tumatanda dito apo?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni LG.

"I can't remember anything LG."

"Posibleng hindi ka nakikinig sa akin nang mga oras na 'yon Sebastian." Ako naman ang natawa sa sinabi ni LG. My dear grandfather is lying this time.

"I never covered my ears when it comes to your words LG, kilala mo ako. Spill it out grandfather." Nagulat na lang ako nang ngumisi sa akin si LG at ginulo nito ang buhok ko.

"I'll tell you later."

"Can't wait,"

Habang papalapit na kami sa kanilang puntod, nagsimula nang bumalik sa akin ang mga eksena nang nakaraan.

Pagkatapos naming marinig ang sigawan ng mga tao, tuluyan nang nawalan ng balanse si Florence. Hindi na kinaya ng babaeng pinakamamahal ko, agad ko siyang sinalo at inalalayan habang walang tigil siya sa pag iyak.

"Florence, we're not yet sure. Nagkakamali sila," pilit kong kinukumbinsi si Florence kahit na ako mismo ay hindi na rin alam kung ano pa ang dapat isipin.

Hindi na kami nahintay na mga pinsan ko dahil nagmadali ang mga itong mangharang ng tricycle.

I tried to calm my wife, maging ako ay natatakot na sa sitwasyon ni Florence. Sobra na ang naranasan niyang ganito at gusto kong iumpog ang sarili ko dahil muli ko na naman siyang pinaranas ng ganito.

Embracing ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon